GMA Logo abot kamay na pangarap
What's on TV

Makukulit na TikTok videos ng 'Abot Kamay Na Pangarap' cast, patok sa netizens

By EJ Chua
Published October 20, 2022 5:08 PM PHT

Around GMA

Around GMA

BTS reunites for a celebration ahead of Christmas
Content creator Arshie Larga reveals his biggest investment in 2025
Girl rescued, hostage-taker killed in Marawi City

Article Inside Page


Showbiz News

abot kamay na pangarap


Naging bonding na ng 'Abot Kamay Na Pangarap' actors ang pagti-TikTok! Panoorin ang ilang nakaaaliw nilang videos DITO:

Seryoso mang napapanood ang mga aktor ng Abot Kamay Na Pangarap sa telebisyon o online, ibang level naman ang kulit nila on set.

Ang ongoing inspirational-medical drama series na ito ay patuloy na nakakatanggap ng mainit na suporta mula sa TV viewers at napakaraming netizens.

Sa katunayan, road to 1 billion na ang views ng programa sa video-sharing app na TikTok.

Bukod sa video highlights na mapapanood sa account ng GMA Network, kaniya-kaniyang upload din ng entries ang cast sa kanilang TikTok accounts.

Patok sa netizens ang makukulit na videos ng cast habang sinasayaw at ginagawa ang ilang trending songs at challenges sa TikTok.

Isa na rito ay ang video na inupload ng seasoned actress na si Pinky Amador na kasalukuyang napapanood sa serye bilang si Moira Tanyag.

Kasama niya sa video ay sina Jillian Ward (Dra. Analyn), Jeff Moses (Reagan), Eunice Lagusad (Karen), Che Cosio (Dra. Katie), Denise Barbacena (Dra. Eula), at Alexandra Mendez (Jhoanne).

Sa kasalukuyan, ang nasabing video ay mayroon nang 1.1 million views at 61,000 likes sa TikTok.

@pinkyamadorofficial #AKNPNewMedicalDirector #BTS #AbotKamayNaPangarap #TeamApex Medical #Represent 🩺🏥 #HappySet #PinkyAmador ♬ SPIN BACK X SCOOTIE WOP UNRELEASED - Scootie Wop

Isa rin sa kinagigiliwan ngayon ng netizens ay ang makulit na TikTok video nina Pinky Amador, Jillian Ward, at Chuckie Dreyfus (Dr. Rey Meneses).

Sa ngayon, ang video nilang tatlo ay mayroon nang 1.2 million views at 83,000 likes.

@chuckiedreyfus Break time sa lock-in taping? Game! Tiktokan naaaaaa gaiz! 😅 “ABOT-KAMAY NA PANGARAP” sa September 5 na. Mon-Sat 2:30PM sa @gmanetwork Afternoon Prime. ☺️❤️ @jillianwxrd @pinkyamadorofficial #AbotKamayNaPangarap #tiktokpinoy #LockInTaping #jillianward ♬ original sound - 💙💟 𝑺𝑷𝑯𝑬𝑵𝑪𝑬𝑹4💟💙

Patuloy na subaybayan ang inspirational-medical drama na Abot Kamay Na Pangarap, mapapanood tuwing Lunes hanggang Sabado, 2:30 p.m., sa GMA Afternoon Prime.

Maaari ring mapanood ang programa online via Kapuso livestream.

Kung gusto n'yo namang balikan ang previous episodes ng Abot Kamay Na Pangarap bisitahin lamang ang link na ito.

SAMANTALA, SILIPIN ANG SET NG ABOT KAMAY NA PANGARAP SA GALLERY SA IBABA: