
Ngayong 2020, handog ng GMA Public Affairs ang edu-tainment program na Makulay Ang Buhay kung saan tampok ang celebrity mom na si Camille Prats bilang 'Mom C' kasama ang kanyang puppet friends na sina Benjie at Penpen.
Sa ika-anim nitong episode, pinag-usapan nila ang kahalagahan ng pagkain ng local produce na malunggay at papaya.
Lagi na lang naiitsapwera ang malunggay at papaya sa mga ulam kaya ipinaliwanag nina Malou at Tanya ang benefits ng pagkain ng mga ito.
Habang napapasarap ang kuwentuhan, nagluto si Mom C ng Chicken Tinola na maaaring haluan ng malunggay at papaya.
Nag-uumapaw kasi ito sa sustansya dahil mayroon itong protein, Vitamins A and C, calcium, fiber, at iron dahil sa mga sangkap nito.
Para sa iba pang impormasyon tungkol sa malunggay at papaya, panoorin ang full episode ng Makulay Ang Buhay sa itaas. Kung hindi naglo-load ang video nang maayos, maaari itong i-stream DITO:
Siguraduhing gumising nang maaga para samahan sina 'Mom C' Camille, Benjie, at Penpen sa kanilang fun-filled adventure tuwing Martes, 9:30 a.m, sa Makulay Ang Buhay.