What's Hot

Makulay Ang Buhay: Glow to the max with glow foods na mayaman sa vitamins and minerals

By Jansen Ramos
Published September 7, 2021 6:54 PM PHT

Around GMA

Around GMA

3 weather systems to bring rains over PH
Athletes from Talisay City, Cebu bag 3 golds in 33rd SEA Games
Gabbi Garcia reveals PCOS diagnosis, champions body positivity

Article Inside Page


Showbiz News

camille prats and buboy villar in makulay ang buhay


Ang carrot ay mayaman sa beta carotene at Vitamin A kaya naman nagluto ng almusal si Mom C na may halong carrot na tiyak magugustuhan ng Team Bahay kids - ang sopas.

Ngayong 2021, muling inihahandog ng GMA Public Affairs ang edu-tainment program na Makulay Ang Buhay kung saan tampok ang celebrity mom na si Camille Prats bilang “Mom C” kasama ang kanyang puppet friends na sina Benjie at Penpen.

Sa September 4, 2021 episode ng Makulay Ang Buhay, pinag-usapan nila ang kahalagahan ng pagkain ng glow foods, kasama si Buboy Villar.

Isa riyan ang carrot na mayaman sa beta carotene at Vitamin A.

Ang Vitamin A ay tumutulong para mas maging malakas ang resistensya at para makaiwas sa iba't ibang sakit gaya ng night blindess, infections, at ilang klase ng cancer. Nakatutulong din ito para mapaganda ang balat.

Kaya naman nagluto ng almusal si Mom C na may halong carrot na tiyak na magugustuhan ng Team Bahay kids - ang sopas.

Bukod sa carrot, mayaman din sa vitamins at minerals ang repolyo at saging na tumutulong para mag-function nang maayos ang ating katawan.

Panoorin ang full episode ng Makulay Ang Buhay sa video sa itaas para malaman ang iba pang benefits ng pagkain ng glow foods.

Siguraduhing gumising nang maaga para samahan sina “Mom C” Camille, Benjie, at Penpen sa kanilang fun-filled adventure tuwing Sabado, 9:45 a.m., at Martes, 8:00 a.m, sa Makulay Ang Buhay sa GMA.

Kung ma-miss n'yo man ang programa sa umaga, don't worry dahil maaaring balikan ang full episodes ng Makulay Ang Buhay sa GMANetwork.com o GMA Network app, Facebook.com/gmamakulayangbuhay, at GMA Playground YouTube channel.