
Ngayong 2021, muling inihahandog ng GMA Public Affairs ang edu-tainment program na Makulay Ang Buhay kung saan tampok ang celebrity mom na si Camille Prats bilang "Mom C" kasama ang kanyang puppet friends na sina Benjie at Penpen.
Sa nakaraang mga episodes, Pork and Beans Guisado at Ginisang Sayote with Sotanghon ang nutri-sarap dishes ang lutong nanay ni Mom C.
Ibinahagi ni Mom C ang simple at masarap na recipe ng Pork and Beans Guisado. Ang dish na ito ay puno ng protina na tumutulong sa pagpapatibay ng muscles.
Nagluto rin si Mom C ng nakakatakam na Ginisang Sayote with Sotanghon. Ang sayote ay puno ng fiber at magnesium na tumutulong sa paggalaw ng tiyan at pagpapalakas ng muscles.
Siguraduhing gumising nang maaga para samahan sina Mom C Camille, Benjie, at Penpen sa kanilang fun-filled adventure ngayong Sabado, 9:45 a.m., at Martes, 8:00 a.m. sa Makulay Ang Buhay sa GMA.
Kung na-miss n'yo man ang programa sa umaga, don't worry dahil maaaring balikan ang full episodes ng Makulay Ang Buhay sa GMANetwork.com o GMA Network app, Facebook.com/gmamakulayangbuhay, at GMA Playground YouTube channel.