
Ngayong 2021, muling inihahandog ng GMA Public Affairs ang edu-tainment program na Makulay Ang Buhay kung saan tampok ang celebrity mom na si Camille Prats bilang 'Mom C' kasama ang kanyang puppet friends na sina Benjie at Penpen.
Sa September 21, 2021 episode ng Makulay Ang Buhay, pinag-usapan nila ang kahalagahan ng pagkain ng almusal kasama si Prinsipe Aga na ginampanan ni Gil Cuerva.
Si Prinsipe Aga ang itinanghal na susunod na hari ng Isla Almusala dahil madali niyang nahanap ang golden beans, bunsod ng pagkain ng almusal na nagbigay sa kanya ng lakas, kalinawan ng isip, at sigla na ginagamit sa buong araw.
Sa pagbisita ng prinsipe kina Mom C, Benjie, at Penpen, handog niya ang string beans na maaaring pang-sahog sa nilulutong pork guisado ni Mom C.
Mayaman ang pork guisado sa protein na tumutulong sa pagpapatibay ng muscles lalo na noong hinaluan ito ng beans.
Panoorin ang full episode ng Makulay Ang Buhay sa video sa itaas. Kung hindi naglo-load ang video nang maayos, maaari itong panorin dito.
Siguraduhing gumising nang maaga para samahan sina 'Mom C' Camille, Benjie, at Penpen sa kanilang fun-filled adventure tuwing Sabado, 9:45 a.m., at Martes, 8:00 a.m, sa Makulay Ang Buhay sa GMA.
Kung ma-miss n'yo man ang programa sa umaga, don't worry dahil maaaring balikan ang full episodes ng Makulay Ang Buhay sa GMANetwork.com o GMA Network app, Facebook.com/gmamakulayangbuhay, at GMA Playground YouTube channel.