
Siguradong ikagugulat ng viewers ang kakaibang pangyayari sa episode ng Family Feud ngayong Biyernes, March 22, kung saan naglaban ang Sparkle 10 at ang mga co-hosts sa dating show ni Kuya Germs, ang Walang Tulugan with the Master Showman.
Ang Sparkle 10 ay kinakatawan nina Rabiya Mateo, Faith Da Silva, Lianne Valentin, at Ashley Ortega.
Muli namang nagsama-sama para buuin ang team Walang Tulugan (The Reunion) sina Ken Chan, Buboy Villar, Yasser Marta, at Jak Roberto. Bago pa maging talent ng Sparkle GMA Artist center, nagsimula ang career nilang apat sa Walang Tulugan.
“Hindi namin in-expect ang twist. Shookt talaga kami,” sabi ng isang member ng studio audience na nakasaksi sa pangyayari.
“Nakakaloka!” sabi naman ng isa.
Kung ayaw mong ma-miss ang shocking moment na ito, tutukan ang huling araw ng weeklong 2nd anniversary celebration ng Family Feud ngayong Friday, 5:40 PM sa GMA 7.
Mapapanood naman ang livestream sa official Family Feud Facebook at YouTube channels, pati na rin sa GMA Network and Kapuso Stream Facebook at YouTube channels.
RELATED GALLERY: 'My Guardian Alien,' 'Running Man Ph,' bigating celebrities, mapapanood sa week-long anniversary special ng 'Family Feud'