GMA Logo Mama Loi
Photo by: Aiko Melendez
What's Hot

Mama Loi, nagkaroon ng anxiety dulot ng mga demanda sa kanila

By Kristine Kang
Published September 19, 2024 5:40 PM PHT
Updated September 19, 2024 7:11 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Spurs assert themselves, take down Thunder again in Christmas spotlight
Christmas not the same for all, calamity survivors show
New season of 'The Boyfriend' airs in January 2026

Article Inside Page


Showbiz News

Mama Loi


Mama Loi tungkol sa isyung kinasasangkutan: 'Wala akong nasabi. Wala ako kahit isang sentence.'

Isa si Loi Villarama, o mas kilala bilang Mama Loi, sa mga host ng Ogie Diaz Showbiz Update na nakatanggap ng reklamo dahil sa 'di umano'y paninirang salita tungkol sa Kapuso actress na si Bea Alonzo. Ngunit ayon sa content creator, wala siyang sinabi tungkol sa aktres, kaya naghain siya ng counter charge na perjury noong Hunyo.

Sa kaniyang panayam kasama si Aiko Melendez, muli niyang nilinaw na wala siyang sinabi tungkol sa Widows' War star. Binanggit din niya na bago sila magbalita, kinukompirma at kinekwestyon muna ang impormasyon na natatanggap nila.

"Well siyempre noong nalaman mo na 'yung information na ganoon, ang una mong tanong, 'Bakit? Anong meron?' Kasi siyempre ikuwekuwestiyon mo rin na may mali po kayang ginawa, may nasabi na mali, ganiyan," paliwanag ni Mama Loi. "Ang nakakaloka du'n po sa case, wala akong nasabi. Wala ako kahit isang sentence. 'Di ba nakalagay doon 'yung mga nirereklamo. Wala ako du'n tapos nasama ako."

Inamin din ng showbiz host na nagdulot ng anxiety at sleepless nights ang mga reklamo na natanggap nila ni Ogie Diaz. Mas pinoproblema niya kasi kung makikita at malalaman ito ng kaniyang mga magulang.

"Naging cause ng anxiety ko dun, more than for myself was siyempre kilala siya 'di ba? Ang naisip ko kaagad, 'Hala, paano 'pag nakita 'to nila mommy at saka ni daddy?'" pahayag niya.

Kuwento rin ni Mama Loi na madalas siyang nagiging awkward sa tuwing nakakaharap niya ang mga artista na kanilang binabalita. Lalo na't dati siyang stylist at costume designer, kaya karamihan sa mga nasa industriya ay naging kaibigan niya. Ngunit para kay Mama Loi, trabaho lang ang kaniyang ginagawa at walang halo itong personal.

"Pero minsan pag halimbawa may mga hot issues tapos biglang makikita mo halimbawa sa wake o sa ano, siyempre medyo awkward. Pero lagi ko lang iniisip is trabaho. Parang 'di man kami nagbalita 'yon, meron at merong magbabalita," sabi niya.

Dagdag din ni Mama Loi, "I treat it as a job na parang sabi ko nga, 'Bakit kaya magagalit sa iyo 'yung ibang tao na binalita mo na ganito? Pero pagnarinig nila sa TV Patrol o kaya sa 24 Oras, 'di naman sila nagagalit?'"

Patuloy pa rin nagbabalita ng insider showbiz news sina Mama Loi, Ogie Diaz, at iba pa nilang kasama sa kanilang YouTube channel.

Panoorin ang kaniyang panayam dito:

BALIKAN ANG MGA HIGH-PROFILE LIBEL COMPLAINTS SA PHILIPPINE SHOWBIZ