
Sa ikawalong linggo ng Man of Vengeance, nalaman na ni Mico na si Sylvia ang pumatay kay Eva. Kaya naman agad na gumawa ng paraan si Mico para makahanap ng ebidensyang magpapatunay sa krimeng ginawa ni Sylvia.
Sa tulong ni Maila, nakuha ni Mico ang sapatos na suot ni Sylvia nang araw na mamatay si Eva. Dahil sa ebidensyang ito, hindi pinayagan si Sylvia na makapagpiyansa.
Binisita naman ni Kyla sa kulungan si Sylvia at sinabi ang lahat ng nalalaman tungkol kay Mico. Dito na rin ipinagtapat ni Kyla na si Mico at Roy ay iisa.
Nang malaman ni Sylvia ang katotohanan tungkol sa tunay na pagkatao ni Mico, gumawa ito ng paraan para makatakas sa kulungan.
Patuloy na subaybayan ang huling linggo ng Man of Vengeance, Lunes hanggang Biyernes, 5 p.m. sa GMA.
Balikan ang mga eksena sa Man of Vengeance:
Man of Vengeance: Father and son reunion | Episode 36
Man of Vengeance: Sylvia is about to get busted | Episode 37
Man of Vengeance: Thea and Mico are getting married | Episode 38
Man of Vengeance: Sylvia is shocked to discover who Mico truly is | Episode 39
Man of Vengeance: Thea put herself at risk for Mico | Episode 40
Kilalanin ang cast ng Man of Vengeance sa gallery na ito: