
Simula Mayo, mapapanood na ang isa sa pinakamalaking Thai revenge drama series na Man of Vengeance sa GMA.
Pagbibidahan nina Tor Thanapob Leeluttanakajorn (Roy/Mico), Fern Nopjira Lerkkajornnamkul (Thea), Typhoon Kanokchat Munyadon (Gerry), Wattanajinda Sirapan (Eva), Ann Siriam Pakdeedumrongrit (Sylvia) ang seryeng ito.
Kabilang din sa Man of Vengeance sina Nicky Nachat Juntapun, Ben Raviyanun Takerd, Oom Sakaojai Poonsawatd, at Tom Phollawat Manuprasert.
Dahil anak sa labas, kailanman ay hindi naging maganda ang trato kay Roy ng stepmom at stepbrother nito. Napilitan si Roy na makisama sa pamilya ng kanyang ama simula nang pumanaw ang ina.
Ang tanging naging karamay lamang ni Roy ay ang kapitbahay nitong si Thea, na katulad niya ay hindi rin nakaranas ng pagmamahal mula sa ina at kapatid.
Tuluyang magbabago ang buhay ni Roy nang masangkot sa isang aksidente at inakalang patay na ng lahat. Matapos ang pangyayaring ito, nabuhay na si Roy sa alyas na Mico.
Makakaya kaya ni Roy na pigilan ang damdamin para sa hinahangad na paghihiganti?
Abangan ang Man of Vengeance ngayong May 9, 5 p.m. sa GMA.
Samantala, tingnan ang Thai stars na napanood na sa GMA Heart of Asia sa gallery na ito: