
Sa ikapitong linggo ng Man of Vengeance, nalagay sa panganib ang buhay ni Mico nang pasabugin ni Sylvia ang club nito.
Dahil sa nangyari kay Mico, hinarap ni Eva si Sylvia para paaminin sa mga kasalanang ginawa nito. Hindi na itinago ni Sylvia ang katotohanan at inamin kay Eva na siya ang pumatay sa ina ni Roy at nagpasabog sa club.
Matapos ang pag-amin, tuluyan nang winakasan ni Sylvia ang buhay ni Eva at sinunog ang lahat ng ebidensya kasama ang huli.
Nang malaman ang pagkamatay ni Eva, mas tumindi ang pag-aasam ni Mico na pagbayarin ang mag-inang Sylvia at Gerry sa mga kasalanang ginawa ng mga ito.
Tuluyan na kayang makukuha ni Mico ang hustisya at mailalagay sa kulungan sina Sylvia at Gerry?
Patuloy na subaybayan ang Man of Vengeance, Lunes hanggang Biyernes, 5 p.m. sa GMA.
Balikan ang mga eksena sa Man of Vengeance:
Man of Vengeance: Mico was killed in a bombing | Episode 31
Man of Vengeance: Mico has nine lives | Episode 32
Man of Vengeance: Sylvia admits her crimes | Episode 33
Man of Vengeance: Sylvia took Eva's life | Episode 34
Man of Vengeance: Mico's revenge continues | Episode 35