IN PHOTOS: Meet the cast of Lakorn series 'Man of Vengeance'

Nagsimula nang magpa-excite tuwing hapon ang isa sa pinakamalaking Thai revenge drama series na 'Man of Vengeance' sa GMA, na pinagbibidahan nina Tor Thanapob Leeluttanakajorn (Roy/Mico), at Fern Nopjira Lerkkajornnamkul (Thea).
Makakasama rin nila sa seryeng ito sina Typhoon Kanokchat Munyadon (Gerry), Ann Siriam Pakdeedumrongrit (Sylvia), Wattanajinda Sirapan (Eva), at Raviyanun Takerd (Kyla).
Ang 'Man of Vengeance' ay iikot sa kuwento ni Roy, anak sa labas ng isang mayamang pamilya na inakalang patay na ng lahat matapos na masangkot sa isang aksidente.
Sa kanyang pagbabalik, makikilala siya bilang si Mico para sa isang malaking paghihiganti.
Subaybayan ang 'Man of Vegeance,' Lunes hanggang Biyernes, 5 p.m. sa GMA.








