
Ngayong April 25, bawal ang absent sa unang araw ng pagbabalik sa GMA ng isa sa tumatak na Japanese drama manga series sa Pilipinas -- ang Gokusen.
Matutunghayan sa mangaseryeng ito ang kuwento ni Kumiko Yamaguchi (Yukie Nakama), isang baguhan na high school teacher na na-assign sa section 3-D na binubuo ng mga pasaway at kinatatakutang estudyante.
Ngunit imbes na maging istrikta ay pawang kabutihan lamang ang ipapakita ni Kumiko sa kanyang mga mag-aaral kabilang na ang pinakapasaway na grupo ng mga kabataan na pinangungunahan ni Shin Sawada (Kenichi Suzumura), Haruhiko Uchiyama (Shun Oguri), Teruo Kumai (Tomohiro Waki), at Takeshi Noda (Hiroki Narimiya).
Ngunit ang hindi alam ng kanyang mga abusadong estudyante, sa kabila pala ng kanyang ipinapakitang kahinaan ay may nakakubling mahusay at malupit na babae mula sa pamilya ng mga Yakuza o grupo ng organisadong sindikato.
Abangan ang maaksyong kuwento ni Kumiko at ng kanyang mga pasaway na estudyante sa Gokusen, simula April 25, Lunes hanggang Biyernes, 8:25 ng umaga sa GMA!