GMA Logo manilyn reynes and john feir
What's on TV

Manilyn Reynes at John Feir, nagkasama habang naka-season break ang 'Pepito Manaloto'

By Aaron Brennt Eusebio
Published June 7, 2021 2:32 PM PHT

Around GMA

Around GMA

One week reenacted budget won't hurt gov't ops in 2026 — Recto
Siblings slain on Christmas Day in Cebu City
How celebrity families celebrated Christmas 2025

Article Inside Page


Showbiz News

manilyn reynes and john feir


Excited na ba kayo sa mangyayari sa well-loved sitcom na 'Pepito Manaloto' soon?

Matapos makitang magkasama sina Michael V. at Manilyn Reynes, nakasama naman ng huli ang isa pang Pepito Manaloto co-actor niyang si John Feir.

Gumaganap si Manilyn bilang Elsa, ang maybahay ng bidang milyonaryong si Pepito (Michael V.).

Samantala, loyal bestfriend naman ni Pepito ang karakter ni John na si Patrick.

Mas tumaas ang excitement ng fans sa Pepito Manaloto: Unang Kwento nang makita ang larawan nina Manilyn at John kanina, June 7.

Kahit naka-season break ang comedy show, tila may pahiwatig ang dalawa tungkol sa mga susunod na mangyayari sa show.

Sumabak ang dalawa sa ginagawang mandatory na RT-PCR test ng Kapuso Network base sa Instagram post ni Manilyn.

A post shared by manilynreynes27 (@manilynreynes27)

May hirit pa si John Feir sa selfie nilang dalawa ng kanyang kumare.

Matatandaan na nagbigay pahayag ang creative director ng Pepito Manaloto na si Michael V. tungkol sa hinahandang prequel ng show, kung saan tatalakayin ang buhay nina Pepito at Elsa noong bata pa sila.

Binigyan-diin din ng actor-director na tinatawag nila itong “transitional season.”

“We won't actually call it a next season--it's a transitional season.

“Kasi, this tackles the life of Pepito and Elsa, when they were young.

“Bago pa sila naging sila, dito mae-explore 'yung buhay nila at kung ano 'yung pinagdaanan nila.

“At kung ano 'yung naging values, kung bakit sila ganito ngayon.”

Silipin ang naging new normal taping ng Pepito Manaloto sa gallery below.