
Masakit man para sa pamilya ng versatile actress-singer na si Manilyn Reynes ang pagkamatay ng kanilang padre de pamilya, unti-unti na ito natatangap ni Mane.
Matatandaan na inanunsyo ng pamilya ni Manilyn na namatay si Nelson Clarin Reynes sa edad na 74 noong January 29, 2021.
Nakilala din ng mga netizen ang ama ng "The Star of the New Decade," dahil ibanahagi nito sa Instagram ang mga favorite throwback photos niya nito.
Sa Instagram post ni Manilyn ngayong Sabado, February 13, nagpaabot ng pasasalamat si Manilyn sa kanyang home network na GMA-7 at sa mga bumubuo ng kanyang sitcom na Pepito Manaloto.
Saad niya, “Salamat po God, sa family at mga kaibigan...
"We may not be able to thank you one by one, we want you all to know how much your calls, messages, mahigpit na virtual hugs, help, concern, prayers, and love mean to us.
“Sa mga kasamahan namin ni Aljohn sa industriya, ang aming Pepito Manaloto Family, na talagang family na namin, mga Ate/Tita na naming maituturing sa GMA 7 at kanilang kani-kaniyang family, sa mga nakakilala kay Daddy, ganun din po sa inyo na hindi siya nakilala pero nagpa-abot po ng pakikiramay at pagmamahal, maraming, maraming salamat.”
Malaki din ang utang na loob ng award-winning comedienne sa lahat ng mga tao na nagbigay ng payo para maibsan ang lungkot na kanyang nararamdaman.
Wika ni Manilyn, “Sa inyo rin pong mga nawalan ng tatay na nag-share ng kuwento, payo, at salita para maibsan ang kalungkutan, salamat.
“Appreciated po namin kayong lahat.”
Nauna nang nagpasalamat si Manilyn sa kanyang pamilya at mga kapitbahay na dinamayan sila sa masakit na yugto na ito.
Sabi ng Kapuso actress sa wikang Bisaya, “Sa tanan nga ni-tan-aw niya sa katapusang higayon, nga ni-bilar, ni-adto sa simbahan ug sa lubung, sa mga nagpa-misa para kaniya, sa mga amigo namu nga pari, mga pag-umangkon, paryente, amigo, amiga nga ni-apil sa choir, sa mga nitabang sa ilahang mga kaugalingung pamaagi para pag-pahimutang sa tanan, mga igsoon, apuhan, uyu-an, iya-an, ig-agaw, pag-umangkon, mga silingan namu sa una, ug tanan nga paryente sa side nilang Daddy ug Mama, daghan gyud kaayong salamat ninyong tanan. "
Nakiramay din sa pamilya Reynes ang mga celebrites tulad nina Megastar Sharon Cuneta, Madrasta star Gladys Reyes, singer-songwriter Ogie Alcasid, at si Janno Gibbs.
Ating balikan ang showbiz personalities na pumanaw noong 2020 sa gallery below.
Related content:
Manilyn Reyes, sinabihang "OA" ang suot na face shield
LOOK: Manilyn Reynes and Aljon Jimenez's best-kept photos