
Body exercise at workout para maging beach-body ready sa darating na summer ang isa sa pinagkakaabalahan ngayon ng Mano Po Legacy: The Family Fortune star na si Nikki Co.
Sa panayam ng GMAnetwork.com kay Nikki, ibinahagi ng aktor ang kahalagahan ng pag-eehersisyo at pagpapalakas ng katawan.
Aniya, "Alam naman natin na papalapit na naman ang summer so pinaghahandaan ko naman yung pag-improve sa aking katawan at siyempre kaakibat nito yung pagiging healthy natin kasi meron tayong Omicron ngayon bagong variant [ng COVID-19] na naman so kailangan mas healthy."
Para sa aktor, importante na sabayan ng workout ang pag-inom ng vitamin supplements upang maging healthy at fit.
"Dapat ready tayo, hindi lang sa pag-take ng vitamins, kailangan sa sarili mo maging fit ka rin kahit wala pa yung vitamins kasi connected yun e, kapag mas malakas na 'yung immune system mo before the vitamins what more kapag may vitamins ka na so I've been working out," ani Nikki.
Sa ngayon ay gumaganap na kontrabida ang Kapuso hunk actor bilang si Jameson Chan sa GMA Primetime series na Mano Po Legacy: The Family Fortune na mapapanood Lunes hanggang Biyernes, 9:35 pm sa GMA Telebabad.
Samantala, mas kilalanin pa si Nikki sa gallery na ito: