
Patuloy ang mainit na pagsubaybay ng mga manonood sa buena-manong handog ng GMA Network at Regal Entertainment sa 2022 na seryeng Mano Po Legacy: The Family Fortune.
Ang nasabing series ay pinagbibidahan ng pinagsamang mga batikan at mahuhusay na aktor at aktres ng henerasyon ngayon gaya nina Boots Anson-Roa, Maricel Laxa-Pangilinan, Sunshine Cruz, at Barbie Forteza. Kabilang din sa all-star cast sina David Licauco, Rob Gomez, Dustin Yu, at Nikki Co.
Sa unang linggo ng serye ay naging hot topic online ang mga maiinit na eksena at husay ng mga aktres. Sa katunayan, umani rin ng papuri mula sa netizens ang husay sa pag-arte ng Kapuso hunk actors na sina David Licauco at Nikki Co.
Isa sa mga kontrabida sa serye ay si Nikki na gumaganap bilang si Jameson Chan, ang spoiled at rebellious son ng mayamang businessman na si Edison Chan kay Valerie Lim (Maricel Laxa-Pangilinan).
Sa isang panayam ng GMANetwork.com kay Nikki, ibinahagi ng aktor na nahirapan siya sa isang intense na eksena sa serye na dapat daw abangan ng mga manonood.
Kuwento niya, "May times na nahirapan ako. Meron akong isang eksena doon na hindi ko agad nagawa so it took me time pero eventually tinulungan naman ako ng assistant director namin noon tapos nagawa ko rin naman yung eksena.”
"Grabe yung extent ng emotions ni Jason for the intense scenes kaya napagod ako sa mga eksena na iyon. Hindi ko pa masabi kung ano pero please abangan niyo po 'yan," dagdag niya.
Ibinahagi rin ng aktor na mas magiging exciting pa raw ang twists sa mga karakter nila sa nasabing series. Subaybayan ang karakter ni Nikki bilang si Jameson sa Mano Po Legacy: The Family Fortune, Lunes hanggang Biyernes, 9:35 p.m. sa GMA Telebabad.
Samantala, mas kilalanin pa si Nikki sa gallery na ito: