GMA Logo Mano Po Legacy on GTV
What's on TV

'Mano Po Legacy: The Family Fortune,' mapapanood sa mas maagang oras at sa dalawang channel

By Marah Ruiz
Published February 7, 2022 11:04 AM PHT

Around GMA

Around GMA

PH embassy: No policy changes yet on dual citizenship in US
Torres game-winner saves Benilde, forces semis do-or-die versus SBUĀ 

Article Inside Page


Showbiz News

Mano Po Legacy on GTV


Bukod sa mas pinaagang oras sa GMA-7 simula February 7, mapapanood na rin ang 'Mano Po Legacy: The Family Fortune' sa GTV.

Mas malaki ang mga pasabog ng GMA Telebabad series na Mano Po Legacy: The Family Fortune sa paglipat nito sa mas maagang oras at pagiging available nito sa isa pang channel.

Simula February 7, mas maaga nang mapapanood ang Mano Po Legacy: The Family Fortune sa GMA-7.

Matutunghayan na ito sa mas pinaagang timeslot na 8:50 p.m., Lunes hanggang Biyernes, pagkatapos ng I Left My Heart in Sorsogon.

Bukod dito, mapapanood na rin ang Mano Po Legacy: The Family Fortune sa second most watched channel sa bansa, ang GTV.

Tunghayan ito sa GTV, Lunes hanggang Huwebes, 11:30 p.m., at Biyernes, 11:00 p.m.

Patuloy na tumutok sa nagpapatuloy na kuwento ng pag-ibig, pamilya, at tradisyon ng mga Filipino-Chinese sa Mano Po Legacy: The Family Fortune, 8:50 p.m. simula February 7, Lunes hanggang Biyernes, sa GMA Telebabad.

Huwag din palampasin ang same-day replay nito mula Lunes hanggang Huwebes, 11:30 p.m. at Biyernes ng 11:00 p.m. sa GTV.