
Haharap sa The Wall Philippines ngayong Linggo, October 2, ang hunk actor na si Marco Gumabao at beauty queen-turned-actress na si Kylie Verzosa. Mapanindigan kaya nila ang pagiging madiskarte para makapag-uwi ng milyong piso?
Sa teaser ng ika-anim na episode ng game show, tinanggap nina Marco at Kylie ang hamon ng The Wall kasama ang TV host na si Billy Crawford.
Makikita rin dito na si Kylie ang napiling sumalang sa isolation room kung saan sasagot siya ng iba't ibang mind blowing questions habang si Marco naman ang maiiwan sa stage upang magkasa ng bola patungo sa wall.
Sa nasabing teaser, mapapanood na nag-e-enjoy pa sa unang rounds ng game show ang dalawa hanggang sa mapunta na sila sa mga mahihirap na tanong ng The Wall.
Umubra kaya ang ganda, talino, at diskarte nina Marco at Kylie upang makapag-uwi ng milyon mula sa The Wall?
Samantala, panalo naman sa ratings ang nakaraang episode ng programa kasama ang Kapuso comedy duo na sina Boobay at Tekla.
Panoorin ang The Wall Philippines, tuwing Linggo, 3:35 ng hapon sa GMA.
SILIPIN ANG JAW-DROPPING PHOTOS NI KYLIE VERZOSA SA GALLERY NA ITO: