GMA Logo The Wall Philippines Ratings
What's on TV

Paglalaro nina Boobay at Tekla sa 'The Wall Philippines,' tinutukan ng mga manonood

By Jimboy Napoles
Published September 27, 2022 6:44 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Babae, patay nang pagsasaksakin at bugbugin ng mister dahil sa selos umano; suspek, nakita sa balon
Check out the scenes from the Miss World Philippines press presentation
Brgy. chairman, nephew killed in Cotabato shooting

Article Inside Page


Showbiz News

The Wall Philippines Ratings


Maraming salamat sa inyong pagsubaybay sa 'The Wall Philippines,' mga Kapuso!

Tinutukan ng maraming manonood ang recent episode ng The Wall Philippines nitong Linggo, September 25, kung saan naglaro ang Kapuso comedy duo na sina Boobay at Tekla kasama ang TV host na si Billy Crawford.

Patunay dito ang mataas na ratings na nakuha ng nasabing game show na tumabo sa 7.0 percent na mas mataas sa huling episode nito na 4.5 percent noong September 18.

Ang naturang ratings ng show ay higit na mas mataas din kumpara sa mga katapat nitong programa sa ibang TV stations base sa preliminary at overnight data ng NUTAM People ratings.

Sa naturang episode, napanood ang laughtrip at good vibes na paglalaro ng The Boobay and Tekla Show hosts na sina Boobay at Super Tekla.

Sa susunod na Linggo, sino kaya ang susunod na sasagot sa hamon ng The Wall?

Panoorin ang The Wall Philippines kasama si Billy tuwing Linggo, 3:35 ng hapon sa GMA.

SILIPIN ANG NAKATUTUWANG TANDEM NINA BOOBAY AT TEKLA SA GALLERY NA ITO: