GMA Logo Marco Masa and Carmelle Collad
Courtesy: itsmemarcomasa (IG), carmelle_lite (IG)
What's Hot

Marco Masa and Carmelle Collado join 'PBB Celebrity Collab Edition 2.0'

By EJ Chua
Published October 24, 2025 8:05 PM PHT
Updated October 24, 2025 8:20 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Eskuwelahan sa nasod, required magpahigayon og Active Threat Drills I One Mindanao
Batang Pinay noon na mahilig tumingin sa mga bituin, isa na ngayong space biologist
Taiwan extends visa-free travel for Filipinos

Article Inside Page


Showbiz News

Marco Masa and Carmelle Collad


Official housemates na rin ng 'Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition 2.0' sina Marco Masa at Carmelle Collado.

Bagong set ng mga Kabataang Pinoy ang ini-reveal na magiging parte rin ng Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition 2.0.

Ang latest announcement ay mula sa showbiz report ng GMA Integrated News na ipinalabas sa 24 Oras, nitong Biyernes, October 24.

Isa sa dalawang bagong ipinakilalang housemates ay ang Sparkle star na si Marco Masa.

Ang 18-year old actor ay makikilala sa reality show bilang Ang Wonder Brother ng Antipolo City.

Housemate na rin ang 18-year old Star Magic artist na si Carmelle Collado.

Siya ay tatawagin dito bilang ang Riles Diva ng Camarines Sur.

Kabilang na rin sa list ng official housemates sina Sofia Pablo, Joaquin Arce, Princess Aliyah, Miguel Vergara, Krystal Mejes, at Heath Jornales.

Sinu-sino pa kaya ang iba nilang makakasama sa loob ng Bahay Ni Kuya?

Abangan 'yan sa susunod na updates tungkol sa Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition 2.0.

Huwag palampasin ang muling pagbubukas ng Bahay Ni Kuya, ngayong Biyernes na, October 25.

Related gallery: The Big ColLove Fancon