What's Hot

Marco Masa, Ashley Sarmiento, grateful to work with Andrea Torres and other actors in 'Akusada'

By EJ Chua
Published April 24, 2025 5:33 PM PHT
Updated April 24, 2025 6:18 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Still no buyer of Discaya’s Rolls-Royce with free umbrella at Customs 2nd auction
A for A On Playlist
Nearly P20M alleged smuggled cigarettes, shabu seized in Sultan Kudarat

Article Inside Page


Showbiz News

Andrea Torres, Marco Masa, Ashley Sarmiento


Ano ang ipinagpapasalamat nina Marco Masa at Ashley Sarmiento kay Andrea Torres at iba pa nilang co-stars sa 'Akusada'?

Kabilang sina Marco Masa at Ashley Sarmiento sa cast ng upcoming suspense drama series ng GMA na pinamagatang Akusada.

Related gallery: Cast ng 'Akusada,' nagkita-kita sa story conference

Bago ang pagpapalabas nito, nakasama nila sa workshop ang bida sa serye na si Andrea Torres at iba pa nilang co-stars gaya na lamang nina Benjamin Alves, Lianne Valentin, at Jennifer Maravilla.

Sa mismong workshop, nakapanayam ni Lhar Santiago sina Marco at Ashley at dito ay ibinahagi nila ang kanilang reaksyon tungkol sa bago nilang proyekto at mga katrabaho.

Ibinahagi ni Marco na ramdam umano niya na marami siyang matutuhan mula kay Andrea at sa iba pa nilang mga kasama sa serye.

Pahayag ng Sparkle actor, “I really feel that they are really open to collab, to cooperate, to share some thoughts about the scenes. And I feel like marami, marami pa akong matutuhan sa kanila.”

Ayon naman kay Ashley, “I felt more comfortable na feeling ko po mas matutulungan nila ako sa pag-arte ko.”

Samantala, sinu-sino pa kaya ang mga aktor na mapapanood sa bagong suspense drama series?

Sabay-sabay nating abangan ang pagsisimula ng Akusada, ipalalabas na ngayong 2025 sa GMA Afternoon Prime.