GMA Logo marco masa rave victoria
Courtesy: itsmemarcomasa, Marco Masa (TikTok)
What's Hot

Marco Masa at Rave Victoria, ginaya ang sweet moment ng AshRave

By EJ Chua
Published January 5, 2026 11:36 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Six hotels earn France's prestigious 'palace' label
CCTV captures residents dumping trash in another barangay in Bacolod
Gabbi Garcia and her mom share make-up tips in local lifestyle magazine

Article Inside Page


Showbiz News

marco masa rave victoria


May makulit na version ang ex-'PBB Celebrity Collab Edition 2.0' housemates na sina Marco Masa at Rave Victoria sa 'I'm tired' scene ng AshRave.

Reunited sa outside world sina Marco Masa (Kapuso) at Rave Victoria (Kapamilya).

Si Rave ang isa sa latest evictees sa Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition 2.0 habang mas nauna naman sa kanya na lumabas sa Bahay Ni Kuya si Marco.

Sa isang TikTok video, mapapanood ang kulitan ng dalawang ex-housemates.

Game na game nilang ni-recreate ang isa sa sweet moments ng AshRave (Ashley Sarmiento and Rave Victoria), kung saan si Marco muna ang gumanap na kunwaring si Ashley.

Ang 'I'm tired' scene ng AshRave ang ginaya nina Marco at Rave, at kinagiliwan ito ng netizens at viewers ng teleserye ng totoong buhay.

Related gallery: Meet the fan-favorite ships in Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition 2.0:

Sa kasalukuyan, mayroon nang halos 4 million views ang kanilang TikTok video.

@marcomasa__

I'm tired :((

♬ original sound - GMA Network

Samantala, kabilang silang dalawa sa may chance na makabalik sa Bahay Ni Kuya dahil sa wildcard.

Patuloy na tumutok sa mga kaganapan sa loob ng Bahay Ni Kuya sa Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition 2.0.

Mapapanood ang reality show ng live sa GMA at Kapuso Stream, weekdays, 9:40 p.m. at 6:15 p.m. naman tuwing Sabado at Linggo.

Maaari ring subaybayan ang mga kaganapan sa loob ng Bahay Ni Kuya sa All-Access Livestream na mapapanood sa link na ito.