
Tila may nabuong malalim na samahan sina Marco Masa at Eliza Borromeo sa kanilang mga nakasama sa loob ng Bahay Ni Kuya sa Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition 2.0.
Related gallery: Meet the 20 housemates of 'Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition 2.0'
Sa exclusive interview ng GMANetwork.com kina Marco at Eliza, masaya nilang sinagot ang tanong kung sino sa kanilang former housemates ang gusto nilang makatrabaho sa isang show sa outside world.
Ayon kay Marco, si Eliza ang Star Magic talent na gusto niyang makasama sa isang serye.
Kasunod nito, binanggit niya ang pangalan ni Caprice Cayetano para sa kapwa Sparkle artist na gusto niyang maging co-star.
Sabi niya, “Gusto kong makatrabaho po si Caprice [Cayetano]. Lagi ko sinasabi na gusto ko siya maka-work.”
“Ako po, si Marco [Masa] and Carmelle [Collado] po,” sagot naman ni Eliza.
Nakilala sila sa teleserye ng totoong buhay bilang Wonder Brother ng Antipolo (Marco Masa) at Determinadong Dilag ng Cavite (Eliza Borromeo).
Huwag palampasin ang mga susunod na kaganapan sa loob ng Bahay Ni Kuya sa Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition 2.0.
Mapapanood ang reality show ng live sa GMA at Kapuso Stream, weekdays, 9:40 p.m., Sabado, 6:15 p.m., at Linggo sa oras na 10:05 p.m..
Maaari ring subaybayan ang mga kaganapan sa loob ng Bahay Ni Kuya sa All-Access Livestream na mapapanood sa link na nasa ibaba.
Bilang isa sa mga nakatutok sa teleserye ng totoong buhay, sino sa male at female housemates ang gusto mong maging big winner ngayong season?
Sagutan ang polls sa ibaba: