GMA Logo Marco Masa gma gala proposal
Source: sparklegmaartistcenter (Instagram)
What's Hot

Marco Masa, hindi nagpahuli sa prom-posal kay Ashley Sarmiento para sa GMA Gala 2023

By Jimboy Napoles
Published July 19, 2023 3:50 PM PHT

Around GMA

Around GMA

SEA Games: Sibol Women dethrone Indonesia to reach Mobile Legends finals
Tight security at ports, terminals in W. Visayas for the holidays
Japanese lifestyle brand unveils limited edition 'Evangelion' merch collection

Article Inside Page


Showbiz News

Marco Masa gma gala proposal


Ano kaya ang naging sagot ni Ashley Sarmiento para GMA Gala "prom-posal" ni Marco Masa sa kaniya?

Sa isang simpleng video idinaan ni Sparkle Teen Marco Masa ang kaniyang prom-posal sa aktres na si Ashley Sarmiento upang kaniyang maging date sa nalalapit na GMA Gala 2023.

Sa post na ibinahagi ng Sparkle GMA Artist Center sa Instagram, makikita ang video ni Marco kung saan makikitang isinulat niya rito ang mensahe para kay Ashley.

“Hi Ash, wala pa akong budget para sa enggrandeng proposal pero… will you be my GMA Gala date?” sulat ni Marco.

Sinagot naman ito ni Ashley sa pamamagitan din ng isang video.

“Yes,” sulat ng teen actress sa isang papel na kaniyang hawak habang nakangiti.

A post shared by Sparkle GMA Artist Center (@sparklegmaartistcenter)

Sina Marco at Ashley ay kapwa miyembro ng Sparkle Teens, ang bagong grupo ng mga up and coming young stars ng GMA na inilunsad nito lamang Abril.

Bukod naman sa prom-posal nina Marco at Ashley, naging matagumpay din ang GMA Gala date proposals ng Sparkle love teams na sina Allen Ansay at Sofia Pablo, maging ang real-life couple na sina Paul Salas at Mikee Quintos.

Samantala, ang GMA Gala 2023 ay magsisilbing fundraising event na makatutulong sa beneficiaries ng GMA Kapuso Foundation at iba't ibang institusyon na lubos na nangangailangan.

Abangan ang iba pang updates tungkol sa GMA Gala 2023 sa lahat ng social media accounts ng GMA o magtungo sa GMANetwork.com.

MAS KILALANIN PA ANG SPARKLE TEEN NA SI MARCO MASA SA GALLERY NA ITO: