What's Hot

Marco Masa, itinuturing na 'pahinga' ang pagpasok sa PBB

By Marah Ruiz
Published October 25, 2025 11:54 AM PHT

Around GMA

Around GMA

PCSO: No winners in 6/49, 6/58 lotto draws on Sunday, Dec. 28
Farm to Table: (December 28, 2025) LIVE
Miss Grand International All Stars announces rescheduling

Article Inside Page


Showbiz News

Marco Masa


Itinuturing ni Marco Masa bilang "pahinga" mula sa showbiz ang pagpasok sa 'Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition 2.0.'

Mula four years old, nasa showbiz na si Kapuso actor Marco Masa.

Hindi raw niya inasahang magkakaroon siya ng pagkakataon na maging bahagi ng Pinoy Big Brother.

Si Marco ang isa sa latest celebrity housemates na inanunsyo, kasama si Kapamilya singer Carmelle Collado para sa Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition 2.0.

"Lagi ko pong sinasabi sa parents ko noong nagsa-start na 'yung auditions, parang wow nabigyan pa rin pala ko ng chance na mag-PBB. Bakit PBB? God's timing po, God's way, God's move. Inaalay ko lang po it sa kanya," pahayag ng aktor.

Pagkakataon daw ito para kay Marco na mas makilala pa ang kanyang sarili. At the same time, pagkakataon din daw itong ipakilala ang sarili niya sa mga manonood.

"For me, I would take each day inside as an opportunity to show who I am, to show my best self, to explore myself, to get to know myself better and of course 'yung mga housemates na makakasama ko sa inside. I'm just really excited and just really immersed sa idea of self-improvement. This is gonna be a detox for me. I'm just so curious about what's to come," paliwanag niya.

Bukod dito, nakikita rin ni Marco ang pagpasok sa Bahay ni Kuya bilang pahinga mula sa showbiz.

"Isa rin siguro, physically I get to rest siguro at some point, although may mga challenging tasks si Kuya. Kasi po, iba po 'yung since bata ka pa lang, since three, four years old po ako, nag-start po ako sa showbiz and wala po 'yung tigil. Basically, I grew up in the public eye. I grew up with expectations from people. I grew up with pressure. I grew up being challenged every time. Even 'yung mga responsibilites ko sa school and all that, at some point, nagiging overwhelming po siya," aniya.

Naging emosyonal naman si Marco habang nagbibigay ng mensahe para sa kanyang pamilya bago siya pumasok sa PBB House.

"Mommy, Daddy, Kuya, I know napapanood niyo lang ako ngayon. Hindi niyo 'ko katabi physically, but my heart, my mind, my soul is always praying para sa ikabubuti n'yo po. Ginagawa ko po ito lahat para sa pinakamadaling panahon, masuklian ko po lahat ng suporta na binigay n'yo sa akin ever since I was a kid," naluluhang mensahe niya.

Panoorin ang buong ulat ni Nelson Canlas para sa 24 Oras sa video sa itaas.