
Reunited sa kanyang pamilya at balik outside world na si Marco Masa matapos siyang ma-evict sa Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition 2.0.
Bumisita si Marco sa GMA Network nitong Martes, December 2 at kasabay nito ay idinaos ng Sparkle GMA Artist Center ang isang homecoming surprise para sa Kapuso actor.
Sa showbiz report para sa GMA Integrated News na ipinalabas sa Balitanghali, ipinasilip ang pa-warm welcome sa ex-housemate.
Inilahad dito na maaga man siyang lumabas mula sa Bahay Ni Kuya, masaya si Marco na naipakilala niya ang kanyang sarili kasabay ng kanyang pagpapakatotoo.
Courtesy: GMA Integrated News
Ang Sparkle star na si Marco at ang Star Magic artist na si Eliza Borromeo ang latest evictees sa teleserye ng totoong buhay.
Patuloy na tumutok sa mga nangyayari sa loob ng Bahay Ni Kuya sa Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition 2.0.
Mapapanood ang reality show nang live sa GMA at Kapuso Stream, weekdays, 9:40 p.m., Sabado, 6:15 p.m., at Linggo sa oras na 10:05 p.m..
Maaari ring subaybayan ang mga kaganapan sa loob ng Bahay Ni Kuya sa All-Access Livestream.
Samantala, bilang isa sa mga nakatutok sa teleserye ng totoong buhay, sino sa male at female housemates ang gusto mong maging big winner ngayong season?
Sagutan ang polls sa ibaba:
Related gallery: Marco Masa receives warm welcome from Sparkle after 'PBB Celebrity Collab Edition 2.0' exit