
May pagsubok na pinagdadaanan ang AshCo dahil umeksena si Bryce Eusebio sa kanilang love team sa MAKA Season 2.
Sa episode 2 ng MAKA Season 2 na napanood noong Sabado (February 8), makikita ang pagseselos ni Marco Reyes (Marco Masa) sa pagiging close nina Ash Salonga (Ashley Sarmiento) at Bryce Hernandez (Bryce Eusebio).
"Another pagsubok 'to para sa AshCo. Sa mga AshCo riyan, 'Kapit lang,'" sabi ni Marco.
"Tiwala lang guys," dagdag naman ni Ashley.
Bukod sa Team AshCo, mayroon na ring nagsi-ship sa mga karakter nina Ashley at Bryce sa MAKA, na tinawag na BryShley.
Abangan sina Marco, Ashley, at Bryce sa MAKA Season 2 tuwing Sabado, 4:45 p.m. sa GMA.
SAMANTALA, TINGNAN ANG KILIG MOMENTS NG ASHCO SA GALLERY NA ITO: