
Ramdam sa Instagram post ni Maria Clara at Ibarra actress na si Barbie Forteza ang labis na kasiyahan na finally ay matutupad na niya ang pangarap na maipatayo ang kaniyang dream home.
Bongga tuloy ang 11.11 ng Kapuso actress na gumaganap bilang Klay sa hit historical portal fantasy series.
Bukod sa fans at family ni Barbie na natutuwa sa latest achievement niya, proud din ang mga co-stars niya sa show.
Isa na rito ang award-winning comedienne na si Manilyn Reynes na gumaganap na Narsing sa Maria Clara at Ibarra.
Nag-post din ng congratulatory messages sina Asia's Limitless Star Julie Anne San Jose, Juancho Trivino, at si Andrea Torres na ginampanan ang role ni Sisa.
Walang bibitaw sa mga susunod na adventures ni Klay sa Maria Clara at Ibarra, Lunes hanggang Biyernes, 8:00 p.m. sa GMA Telebabad.
KILALANIN ANG MGA TAUHAN SA PATOK NA KAPUSO PRIMETIME SERIES DITO: