
“At first, I have very mixed feelings because of course, it's about history and it's very serious and important.”
Iyan ang naging pahayag ng Japanese actress na si Maria Ozawa tungkol sa pagiging parte ng hit historical series na Pulang Araw. Matatandaang isa sa mga tema ng serye ay ang kasaysayan at pandaigdigan digmaan kung saan sinakop ng Japan ang Pilipinas.
Sa panayam niya kay Suzie Entrata sa Unang Hirit, sinabi ni Maria na kahit mayroon siyang mixed feelings sa pagiging parte ng serye ay masaya pa rin siyang malaman ang kasaysayan sa pagitan ng dalawang bansa.
“Me, being half Japanese, I was very happy that I could be a part of the show and I wanted to learn more about the history of the Philippine side also,” sabi niya.
Aminado rin siya na noong una ay kabado siyang makatrabaho ang ibang cast ng serye at nanabik rin makasama sila. Ngunit kuwento niya, pagpunta niya sa set ng Pulang Araw sa unang araw ng kanyang taping ay napakabait ng kanyang co-stars.
“Everybody was so nice, everybody was really nice like teaching me Tagalog, teaching me the history side of the Philippines, everybody is so nice,” sabi ng aktres.
BALIKAN ANG CAST NG PULANG ARAW NA DUMALO SA KANILANG MEDIA CONFERENCE SA GALLERY NA ITO:
Gumaganap si Maria bilang si Haruka Tanaka, ang ina ng karakter ni David Licauco na si Hiroshi. Dahil dito, madalas umano humingi ng tips ang Pambansang Ginoo sa kanya, lalo na sa pagsasalita ng Nihongo.
“Like words or sentences or when he has something he wants to clarify, he would ask either him or me, Mr. Tanaka or Mrs. Tanaka,” kuwento ni Maria.
Kuwento niya, isa sa mga pinakaunang naging ka-close niya mula sa cast ay si Jacky Woo, ang aktor na gumaganap bilang si Chikara Tanaka, ang asawa ng kanyang karakter. Dagdag pa ni Maria ay nagkakakuwentuhan pa sila ni Jacky sa Nihongo.
Aniya, “That was really fun. We were speaking in Japanese and we were like 'Write it down on our list,' and talking to the cast in Japanese, and it was really really fun.”
Panoorin ang naging panayam kay Maria dito: