
Idinaan nina Primetime King Dingdong Dantes at Primetime Queen Marian Rivera sa pagkanta ang pagtuturo kay Maria Letizia "Zia" Dantes ng kahalagahan ng pagkain ng prutas.
Sa Facebook, ibinahagi ni Marian ang ginawa nila ni Dingdong para mas matutunan ni Zia ang kahalagahan ng prutas, at ito ay sa pamamagitan ng pagsabay sa awiting "Prutas Pilipinas" ni Ryan Cayabyab.
"So after our pizza meal from Ate Zia the other day, we decided to return the kind gesture by ordering some fruits," pagbabahagi ni Marian.
"To make it more engaging, sinabayan namin [ng] konting pasayaw-sayaw at kantahan to the tune of Prutas Pilipinas ni Ryan Cayabyab para naman mas ma-appreciate niya ang kahalagahan ng prutas sa ating katawan," dagdag pa ng aktres.
Ayon pa kay Marian, bukod sa natuturuan ang mga bata sa pagkain ng masusustansyang pagkain, natutulungan din ang mga magsasaka na mapanatili ang kanilang kabuhayan.
"Teaching our kids about healthy food -- lalo na ang mga prutas na locally produced, will not only deepen their appreciation of a healthy lifestyle, but also the rich resources of the country and the need to be of help in promoting and sustaining our Filipino farmers' livelihood," pagtatapos ni Marian.
Habang isinusulat ang istoryang ito, mayroon nang mahigit 2.4 million views ang video na ibinahagi ni Marian.
Samantala, balikan sa gallery na ito ang masayang pamilya nina Dingdong Dantes at Marian Rivera: