
Piniling i-celebrate nina Marian Rivera at Dingdong Dantes ang kanilang birth month abroad kasama ang dalawang anak na sina Zia at Sixto.
Sa 24 Oras report ni Nelson Canlas ay ikinuwento ni Marian na super nag-enjoy ang mga anak sa kanilang two-week vacation sa Los Angeles (L.A.), California.
Masaya rin si Marian na nakabonding ang asawa na busy ang schedule dahil sa Family Feud at The Master Cutter.
“Sobrang nag-enjoy sila. Hindi talaga matatawaran 'yung pagkakataon kapag magkakasama kaming apat at nakikita mo talaga 'yung dalawa na sobrang ina-appreciate nila na nandun kaming dalawa para sa kanila,” ani Marian.
Kwento pa ng Kapuso star ay sinulit talaga nila ang bakasyon at napagbigyan sina Zia at Sixto sa mga gustong puntahan sa L.A.
READ: Marian Rivera shares radiant portraits on her 42nd birthday
Kamakailan lang ay cinelebrate ni Marian ang kanyang 42nd birthday.
Nang tanungin kung may birthday wish pa ito, sagot niya, “Ang dami kong wish. Dati palagi kong sinasabi na okay lang kahit anong wish. Ngayon, ang dami kong wish pero siguro mas nag focus ako sa wish ko para sa pamilya ko."
RELATED GALLERY: The growing, beautiful family of Dingdong Dantes and Marian Rivera