
Kasado na ngayong January 23 ang pagsisimula ng pinakabagong multi-platform showbiz talk show na Fast Talk with Boy Abunda kasama mismo ang batikang TV host at tinaguriang King of Talk na si Boy Abunda.
Layunin ng programa na maging isang credible go-to source patungkol sa lahat ng mga kaganapan sa showbiz industry. Dito ay isa-isang hihimayin ang mga pinaka-maiinit na isyu sa showbiz at bibigyang pagkakataon ang celebrities na sumalang sa isang kaabang-abang na hot seat interviews kasama si Boy.
Sa media conference ng Fast Talk with Boy Abunda nitong Sabado, January 14, game na game na ibinahagi ng batikang TV host ang mga Kapuso stars na dapat abangan sa pilot week ng kanyang bagong programa sa GMA.
Sa pilot episode nito sa Lunes, buena-manong sasalang sa “Fast Talk” ang Kapuso Primetime Queen na si Marian Rivera.
“I would like to thank Marian for her trust in me. She is on temporary hiatus but she was so nice to give in to my request,” masayang sinabi ni Boy.
Sa susunod na episode, January 24, dapat namang abangan ang interview ni Boy kay Kapuso drama actress na si Glaiza De Castro kasama ang asawa nito na si David Rainey.
Hindi rin mawawala sa pilot week ng programa ang pagsalang sa hot seat interview ni Asia's Multimedia star Alden Richards sa January 25.
Sa Huwebes, January 26, matutupad na rin ang pangarap ni Boy na muling makapanayam ang multi-awarded actress na si Bea Alonzo.
Pasabog naman ang huling episode nito sa Biyernes, January 27, kung saan makakapanayam ni Boy ang Kapuso actor na si Paolo Contis.
Sa kanyang panayam sa press sa naturang event, proud na ibinahagi ni Boy na mismong siya ay tumatawag din sa mga artista upang imbitahan na kanyang makapanayam.
Aniya, “You know me. I call people, I plead to them, if necessary. I am not going to depend on my staff or my bosses. I want this show to work and I want the biggest names and the biggest stories to be there on my first week.”
Dagdag pa niya, “Sobrang taas ng energy ko at pakialamero ako. Hindi ako papayag na hindi mag-deliver dahil sobrang tiwala ang ibinigay sa akin ni Atty. Gozon (GMA Network chairman and CEO Atty. Felipe L. Gozon). Hindi ako maghihintay ng grasya. I am gonna work.”
Aminado rin si Boy na malaki na ang pagbabago ngayon sa sources ng mga balita ng mga Pilipino kasama na rito ang showbiz updates kung kaya't challenging para sa kanyang programa ang maging una sa balitang pang-entertainment.
“I am cognizant of where I am today. Hindi lamang reporters, hindi lamang tayo, ako'y may YouTube, ikaw ay may YouTube, may Facebook. Everybody has become an active participant in the communications ecosystem.
“So we have to step up, we have to be able to present how we're gonna do 'Fast Talk.' Ang 'Fast Talk' naman is specific and personal to the guest,” aniya.
Mapapanood ang nasabing programa Lunes hanggang Biyernes sa loob ng 20 minuto sa GMA Afternoon Prime via television broadcast sa GMA at sa iba pang digital platforms.
Samantala, panoorin ang teaser ng Fast Talk with Boy Abunda sa video sa ibaba:
KILALANIN ANG KING OF TALK NA SI BOY ABUNDA SA GALLERY NA ITO: