GMA Logo Marian Rivera, Gabby Concepcion, Raphael Landicho
What's on TV

Marian Rivera, Gabby Concepcion, at Raphael Landicho reveal takeaway on 'My Guardian Alien'

By Dianne Mariano
Published March 26, 2024 3:58 PM PHT

Around GMA

Around GMA

UAAP: NUNS triumphs in finals rematch versus UST, keeps in step with Boys Tournament leaders
M/V Trisha Kerstin 3 death toll climbs to 40
eGovPH warns public of app spoofing

Article Inside Page


Showbiz News

Marian Rivera, Gabby Concepcion, Raphael Landicho


Inilahad nina Marian Rivera, Gabby Concepcion, at Raphael Landicho ang mga aral na mapupulot ng viewers sa kanilang primetime series na 'My Guardian Alien.'

Malapit na malapit nang mapanood sa GMA ang primetime series na My Guardian Alien na pagbibidahan nina Marian Rivera at Gabby Concepcion kasama si Max Collins.

Makikilala sina Marian at Gabby bilang mag-asawang Katherine at Carlos Soriano, habang ang gaganap na kanilang anak na si Doy ay ang Sparkle child actor na si Raphael Landicho.

Sa naganap na media conference, inihayag nina Marian, Gabby, at Raphael ang mga aral na mapupulot ng mga manonood sa kanilang serye.

Ayon sa Kapuso Primetime Queen, matutunan ng viewers sa istorya ang pagmamahal sa pamilya.

Related content: Here's what happened at the media conference of 'My Guardian Alien'

“Ang pamilya ay pamilya. Kahit anong mangyari, mamahalin mo ang pamilya mo sa abot ng makakaya mo,” aniya.

Sumang-ayon dito ang leading man ng aktres at sinabi, “Pagkatapos ng araw, ano ba talaga ang gusto mong ipakita? Lahat ba 'yan ay para sa'yo lang o para sa ibang tao?”

Ayon naman sa Kapuso child actor, matututunan ng viewers mula sa kanilang show ang pagpapahalaga sa mga magulang.

“Kailangan mahalin mo na sila hanggang nandiyan pa. Baka bukas, pagtingin mo, wala na pala sila,” aniya.

Dagdag pa ni Raphael, “At saka siyempre 'yung magulang niyo kahit ano sila, kahit alien pa 'yan, unicorn, tanggapin niyo pa rin sila.”

Bukod sa kanyang karakter bilang mapagmahal na ina, gaganap din si Marian bilang isang alien. Katunayan, ayon sa aktres, isa ito sa challenging roles na kanyang ginampanan.

“Sabi ko nga kay Direk, mas mahirap pala na walang lines kaysa sa nagsasalita. Kasi ang hirap talaga, hindi ka maka-react na may nangyayari, kailangan puro kamay, puro ulo, parang puro gano'n nung una.

“Pero siyempre habang nagtatagal, nagkakaroon na siya [ang karakter ko] ng pakiramdam. Nalalaman niya na kung ano ang ibig sabihin ng tao so unti-unti nagkakaroon na siya ng reactions," kuwento ni Marian kay Aubrey Carampel para sa 24 Oras.

Abangan ang world premiere ng My Guardian Alien sa April 1 sa GMA Prime.