
Isang sorpresa ang inihanda ng Unang Hirit para sa pagbisita ni Kathryn Bernardo, kasama ang Hello, Love, Goodbye leading man na si Alden Richards, kaninang umaga, July 12.
Naghanda ang Unang Hirit team ng isang video presentation kung saan makikita ang ilang larawang kuha mula sa unang proyekto ni Kathryn sa Kapuso Network.
Maalalang gumanap ang Kapamilya actress bilang ang batang version ni Jenny sa Philippine adaptation ng K-Drama series na Endless Love noong 2010. Ang parehong karakter ay ginampanan ni Marian Rivera kinalaunan.
“Siguro mga 12 ako nito? Feeling ko mga ganun!
“Kasama ko pa sina Joyce Ching at Kristoffer Martin,” pag-alala ni Kathryn.
Sabay sambit pa niya, “Oh my god! Buti na-save niyo pa yan.”
Samantala, ikinuwento rin ni Kathryn na kung pagpapalain ay gusto niyang makatrabaho si Kapuso Primetime Queen Marian Rivera.
“Di kami nagkasama [sa Endless Love] pero nagkikita kami minsan sa events.
“Siya lang talaga 'yung artista na nasa-starstruck ako and for me siya yung pinakamaganda sa buong mundo.”
WATCH: Alden Richards ikinuwento ang kaniyang first impression kay Kathryn Bernardo sa 'Unang Hirit'
Panoorin ang nakakatuwang segment sa video na ito: