
More than grateful si Kapuso Primetime Queen Marian Rivera matapos manalo ng kaniyang first-ever Best Actress Award mula sa Filipino Academy of Movie Arts and Sciences (FAMAS) Awards para sa pagganap niya bilang si Teacher Emmy sa Cinemalaya Film na Balota.
Sa panayam sa kaniya ni Nelson Canlas para sa 24 Oras nitong Martes, August 26, ibinahagi ni Marian ang next goal niya pagkatapos ng tagumpay ng kaniyang pelikula.
"Kung ano na lang 'yung dumating na projects at ibigay sa'yo ni Lord ay tatanggapin mo na lang ng buong-buo. Siguro kapag kabataan mo marami ka dapat i-goal. Pero sa puntong ito sa buhay ko, kumbaga, kung ano 'yung nandiyaan na project at maganda, subukan. Kung wala, okay lang,” sabi ni Marian.
BALIKAN ANG ILAN SA MOST NOTABLE ROLES NI MARIAN SA GALLERY NA ITO:
Bukod sa pag-arte, hindi rin nagpapahuli si Marian ng kaniyang hilig sa pagsasayaw lalo na at isa siya sa mga dance authority ng celebrity dance competition na Stars on the Floor.
Sa katunayan, may mga pagkakataon pa na nagpakita siya ng kaniyang smooth dance moves on the spot kasama ang kanilang host na si Alden Richards.
Abala man ay nagpapasalamat din si Marian sa pagiging host ng drama anthology na Tadhana na nasa ika-walong taon nang nagbibigay ng kwento ng inspirasyon at pag-asa mula sa buhay ng mga overseas Filipino workers.
"Sa ating mga Kapuso na walang sawang nanonood ng Tadhana, eight years na, maraming salamat po sa inyo,” sabi ni Marian.
Panoorin ang panayam kay Marian dito: