
Magkahalong tuwa at excitement ang nararamdaman ni Marian Rivera sa kanyang upcoming movie na Balota.
Ang naturang pelikula ay isa sa mga entry sa gaganaping Cinemalaya Film Festival sa August 2024. Ito ay ipo-produce ng GMA Pictures at GMA Entertainment Group at sasailalim sa direksyon ni Kip Oebanda.
Ayon kay Marian, marami siyang first time na ginawa sa pelikula kaya tiyak na magiging memorable ito para sa kanya.
“Sobrang excited ako kasi dito ko nagawa ang lahat ng first time ko--no makeup, ayaw ni Direk na naka-makeup. Dito yung mga linyahan na di ko nagagawa sa mga soap opera at saka sa pelikula. Pangatlo, ito yung rurok ko yata na yung fight scene ay hindi ako nagpa-double kaya ang dami-dami kong sugat. Okay lang, sabi ko nga, gagaling at gagaling din 'yan. Ang importante ay nabigay ko yung 100 percent ko sa pelikula,” kuwento ni Marian.
Sandaling nakapanayam ng entertainment media ang Kapuso Primetime Queen matapos siyang ipakilala bilang bagong celebrity endorser ng Center for Advanced Dentistry nitong June 11 sa Shangri-La The Fort, Taguig City.
Dahil daw sa kanyang naranasan sa Balota, interesado pa siyang gumawa ng pelikulang magiging bahagi ng Cinemalaya.
“Nakakakilig. Parang sabi ko nga, hindi ako nadadala na gumawa ulit sa kanila sa na-experience ko kung paano ko ginawa yung balota. Dahil doon, gusto ko ulit gumawa ng Cinemalaya,” aniya.
Kamakailan ay nagbigay ng pasilip si Marian sa ilang mga eksena niya sa naturang pelikula.
Makakasama rin ni Marian sa Balota sina Will Ashley, Royce Cabrera, Raheel Bhyria, Gardo Versoza, Mae Paner, Nico Antonio, Donna Cariaga, Joel Saracho, Sue Prado, Esnyr, at Sassa Gurl.
Tingnan ang mga kaganapan sa story conference ng Balota rito: