GMA Logo Marian Rivera
What's on TV

Marian Rivera, inilarawang 'perfect project' bilang comeback series ang 'My Guardian Alien'

By Dianne Mariano
Published March 5, 2024 6:51 PM PHT
Updated March 13, 2024 6:30 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Robots dance, clean, and rescue toy cats at expo in Japan
Dawn Zulueta opens up on navigating menopause with grace and confidence
Torres game-winner saves Benilde, forces semis do-or-die versus SBUĀ 

Article Inside Page


Showbiz News

Marian Rivera


Malapit nang mapanood ang pagbabalik-primetime ng nag-iisang Kapuso Primetime Queen na si Marian Rivera.

Isa sa mga kaabang-abang na programa ng Kapuso network ngayong taon ay ang family drama series na My Guardian Alien.

Ito ay pagbibidahan nina Marian Rivera at Gabby Concepcion kasama si Max Collins.

Related gallery: Marian Rivera at Gabby Concepcion kasama si Max Collins at iba pang Kapuso stars, nagsama-sama sa story conference para sa bagong serye

Ang naturang serye ay ang pagbabalik sa primetime ng nag-iisang Kapuso Primetime Queen matapos ang apat na taon.

Sa panayam ng GMANetwork.com kay Marian, inilarawan ng aktres na “perfect project” ang kanyang pagbibidahang serye.

“Noong pinresent sa akin ito bago pa kami mag-taping, ang ganda ng kwento. Sabi ko kasi, ngayon sa pagbabalik ko after four years, gusto kong gumawa ng isang soap na pwede kong ipapanood sa mga anak ko.

“So parang ito 'yung nakita kong perfect project na pwedeng panoorin ng mga anak ko kasi sa ngayon gusto kong gumawa ng mga proyekto na mapapanood nila, at the same time, ay masasabi kong talagang good project for me,” kuwento niya.

Hindi itinanggi ng renowned star na nahirapan siya noong una sa kanyang comeback series dahil apat na taon din nang huli itong gumawa ng serye.

Aniya, “At first, sobrang nahirapan ako kasi after four years, kababalik ko lang. So sabi ko, sandali lang ha. Medyo nangangapa ako sa mga anggulo, sa ilaw, sa mga pagme-memorize ng lines. Pero after ng ilang tapings, naging okay na, nakapa ko na ulit siya.”

Ayon pa kay Marian, natutuwa rin siya sa kanyang off-cam bonding moments kasama ang co-stars niya sa My Guardian Alien.

“Isa 'yung sa pinakamaganda, 'yung mga bonding namin after ng mga eksena, na palagi akong pinupuntahan nina Kiray and Christian, nagku-kwentuhan kami, especially with Doy (Raphael Landicho), and masaya 'yung moments. Sabi ko nga, 'worth it talaga,'” dagdag niya.

Sa hiwalay na panayam, sinabi ng celebrity mom na madaling katrabaho ang direktor ng serye na si Zig Dulay dahil sa pagiging collaborative nito.

“Sobrang dali katrabaho. Sabi ko nga, ito 'yung mga masarap katrabaho na direktor na very open sila kung paano mo ie-execute 'yung character. At kung mayroon ka man na naco-confuse ka, hindi siya mahirap lapitan para itanong kung ano ba ang dapat mong gawin doon sa character na 'yon,” aniya.

Bukod kina Marian, Gabby, at Max, kabilang din sa cast ng My Guardian Alien sina Gabby Eigenmann, Raphael Landicho, Kiray Celis, Arnold Reyes, Tanya Gomez, Caitlyn Stave, Josh Ford, Sean Lucas, Tart Carlos, Christian Antolin, Kirst Viray, kasama si Marissa Delgado.

Abangan ang My Guardian Alien sa GMA Prime.