GMA Logo Marian Rivera
What's Hot

Marian Rivera, malapit nang magbalik-telebisyon?

By Aimee Anoc
Published August 3, 2021 10:15 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Residents in Bataraza, Palawan capture 14-foot saltwater crocodile
#WilmaPH continues to move slowly east of Borongan City
GMA Pinoy TV Supports OFW Empowerment at the 17th PHILSME Business Expo

Article Inside Page


Showbiz News

Marian Rivera


Makikita na nga ba ulit natin si Primetime Queen Marian Rivera sa telebisyon?

Maraming tagahanga ni Primetime Queen Marian Rivera ang excited na sa pagbabalik-telebisyon niya.

Noong July 31, sinagot ni Marian sa Instagram ang tanong ng isa niyang tagahanga kung kailan siya muling magkakaroon ng show.

"Lodi, kelan ka po ba ulit magkakaroon ng bagong show sa telebabad, sa sobrang pagka-miss ko sa 'yo gabi-gabi pa rin ako nakaabang sa tv para manuod ng Endless Love tapos naghihintay rin sa yt para manuod ng Endless Love pa rin hahahaha for sure hindi lang ako 'yung ganyan pati ibang fans mo nami-miss ka na. Hayss!" tanong ni @leng14344.

Agad naman itong sinagot ng aktres na may kasamang heart at prayer emojis, "Aww maraming salamat... Soon, inaayos lang script."

Huling napanood sa telebisyon si Marian noong 2018 sa GMA series na Super Ma'am.

Hindi natuloy ang pagbabalik-telebisyon niya ngayong taon sa First Yaya dahil na rin sa pandemya.

Samantala, patuloy na mapapanood si Marian at Primetime King Dingdong Dantes sa Philippine adaptation ng hit Korean series na Endless Love, Lunes hanggang Biyernes sa GMA Telebabad pagkatapos ng Legal Wives.

Tingnan ang sexy boss mom looks ni Marian Rivera sa gallery na ito: