GMA Logo marian rivera
What's Hot

Marian Rivera, una sa listahan ng "Most Followed Filipino Celebrity" sa Facebook

By Aimee Anoc
Published July 15, 2021 10:28 AM PHT
Updated July 15, 2021 11:31 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Arra San Agustin, naniniwala na ‘insecure’ ang mga nagtataksil sa relasyon
Lalaki patay sang gintiro sang gwardiya nga iya ginbuno sa Barotac Nuevo | One Western Visayas
Philippine flag carrier celebrates 85th anniversary with new aircraft

Article Inside Page


Showbiz News

marian rivera


Congratulations, Marian Rivera!

Nangunguna pa rin si Primetime Queen Marian Rivera bilang "Most Followed Filipino Celebrity" sa Facebook, ayon sa report ng dailypedia.net.

As of July 1, nananatiling una sa listahan si Marian, na may 25.38 million followers.

Ibinahagi naman ng aktres ang balita sa kanyang Instagram stories at pinasalamatan ang mahigit 25 million followers sa Facebook.

"Awww salamat po. Kita kits!' sulat ng aktres, at nangakong magkakaroon ng Facebook Live video.

Nagsimulang makilala si Marian sa showbiz nang pagbidahan ang Philippine adaptation ng sikat na Mexican series na Marimar, kung saan ay kinilala ang aktres bilang Phenomenal TV Star sa 38th Box-Office Entertainment Award noong 2008.

Bukod sa pagiging aktres, isa ring endorser, negosyante, at ina si Marian sa kanyang dalawang anak na sina Maria Letizia Dantes at Sixto Dantes.

Ikinasal ang aktres kay Primetime King Dingdong Dantes noong December 2014.

Ilan pa sa mga artista at personalidad na napabilang sa listahan ng "Most Followed Filipino Celebrity" sa Facebook ay sina Niana Guererro na may 23.74 million followers; Angel Locsin, 22.37 million followers; Anne Curtis, 18.37 million followers; Manny Pacquiao, 17.2 million followers; Vice Ganda, 16.95 million followers; Ivana Alawi, 16.01 million followers; Sarah Geronimo, 15.9 million followers; at Kim Chiu na may 15.59 million followers.

Tingnan ang ilang larawang ni Marian habang naka-social media break: