GMA Logo Marian Rivera and Gabby Concepcion
What's on TV

Marian Rivera, mami-miss ang bonding ng cast ng 'My Guardian Alien'

By Dianne Mariano
Published June 24, 2024 1:44 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Sino si Dr. Reginald Santos, ang asawa ni Carla Abellana? | GMA Integrated Newsfeed
Davao police say boy’s injury not caused by firecrackers

Article Inside Page


Showbiz News

Marian Rivera and Gabby Concepcion


Ayon kay Kapuso Primetime Queen Marian Rivera, mami-miss niya ang bonding moments kasama ang kanyang co-stars sa 'My Guardian Alien.'

Nagbigay ng pasilip sina Kapuso Primetime Queen Marian Rivera at seasoned actor Gabby Concepcion sa set ng kanilang pinagbibidahang serye na My Guardian Alien sa Unang Hirit.

Bukod sa set tour, kumasa rin sina Marian at Gabby sa “Quick Fire Questions” kung saan sinagot nila ang ilang mga tanong.

Isa sa mga tinanong ni Gabby para sa kanyang co-star ay kung ano ang memorable moment niya sa set ng My Guardian Alien. Ayon kay Marian, ito ay ang off-cam moments kasama ang kanilang co-stars.

“Kasi sa behind the scenes, alam mo 'yan, ito 'yung time natin na nagkukuwentuhan tayo ng mga cast, naging close talaga tayo sa isa't isa. So sabi ko nga, siguro kung meron akong mami-miss talaga dito, 'yun ang bonding natin together kasi off-cam talaga ang kukulit talaga namin,” kuwento ng aktres.

Bukod dito, binalikan din ang ilang trending na eksena sa My Guardian Alien tulad ng alien dance ni Grace (Marian Rivera), ang first kiss nina Grace at Carlos (Gabby Concepcion), at ang pagpapakilala ni Grace bilang “Grace B. Formil.”

Masaya rin ang ibang cast members sa nabuo nilang pamilya sa set ng serye.

“Mami-miss ko lahat, siyempre family na tayo rito e. Iba talaga 'yung nakakagawa ka ng isang proyekto na kahit tapos na 'yung show, magiging magkaibigan pa rin,” ani Gabby Eigenmann, na gumaganap bilang si Ceph.

Panoorin ang all-access sa set ng My Guardian Alien sa video sa ibaba.


Subaybayan ang finale week ng My Guardian Alien, Lunes hanggang Biyernes, 8:50 p.m. sa GMA Prime. Mapapanood din ito sa Pinoy Hits at Kapuso Stream.


Maaari ring mapanood ang programa sa GTV sa oras na 10:30 p.m.