
Kaabang-abang ang karakter na gagampanan ng Kapuso Primetime Queen na si Marian Rivera sa upcoming 2024 Cinemalaya film na Balota.
Related Gallery: The cast of 'Balota' meet at its story conference
Ibinahagi ng My Guardian Alien star sa kanyang official Facebook page ang ilang behind the scenes photos mula sa taping ng Balota.
Makikita rito ang karakter ng aktres na si Emmy na mayroong hawak na yellow ballot box kasama ang kapwa guro.
“Balota Bts,” sulat niya sa caption.
Sa isang panayam, ibinahagi ni Marian na na-e-enjoy niya ang pagganap sa kanyang karakter sa pelikula.
Aniya, “Parang ang dami kong na-e-experience and na-e-explore doon sa character ni Teacher Emmy. Super enjoy ko siyang ginagawa.”
Bukod kay Marian Rivera, kabilang din sa cast ng Balota sina Will Ashley, Royce Cabrera, Raheel Bhyria, Gardo Versoza, Mae Paner, Nico Antonio, Donna Cariaga, Joel Saracho, Sue Prado, Esnyr, at Sassa Gurl.
Ang Balota ay co-produced ng GMA Pictures kasama ang GMA Entertainment Group, in cooperation with Cinemalaya.
Kasalukuyang bumibida si Marian bilang Katherine/Grace sa My Guardian Alien, na napapanood tuwing Lunes hanggang Biyernes, 8:50 p.m., sa GMA Prime.