GMA Logo Marian Rivera financial tip for parents
Celebrity Life

Marian Rivera, may practical approach pagdating sa pagbibigay ng pera kina Zia at Sixto

Published August 22, 2026 11:51 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Strong 6.7-magnitude quake strikes southern Peru — USGS
Man lands in hospital after fire razes home in Bacolod
Otherworld Festival Manila is happening this November

Article Inside Page


Showbiz News

Marian Rivera financial tip for parents


Para kay Marian Rivera, may mas mainam siyang paraan para matuto sina Zia at Sixto tungkol sa kahalagahan ng pera.

Naging diretsa at open ang celebrity mom at Kapuso Primetime Queen na si Marian Rivera tungkol sa kung paano nila pinag-uusapan ng asawang si Dingdong Dantes ang usaping pera, ari-arian, at family wealth kasama ang kanilang mga anak na sina Zia at Sixto.

Sa ginanap na Q&A session sa "May Palawan for All!" event sa Makati Shangri-la, naitanong sa aktres kung anong edad niya planong kausapin ang kanyang mga anak tungkol sa kanilang assets at finances—isang topic na madalas na itinuturing na "off-limits" o taboo sa mga tradisyunal na pamilyang Pilipino.

Aminado si Marian Rivera na hindi pa nila ito tahasang napag-uusapan ni Dingdong, lalo't bata pa sina Zia at Sixto at hindi pa talaga pwedeng humawak ng pera.

Gayunpaman, maaga na nilang itinuturo ang disiplina sa paghawak ng pera sa pamamagitan ng simpleng pang-araw-araw na gawaing pambahay o chores.

"Alam mo, parang never pa namin napag-usapan 'yan ng asawa ko. Pero kasi sa age nina Zia at Sixto ngayon, hindi pa namin sila pinapahawak ng pera," kuwento ni Marian.

"Ang ginagawa namin is, in-i-earn nila, kapag may gusto sila, tapos may kailangan silang gawin na inuutos namin na 'Clean your room' o 'Wash your, ganito' tapos may points sila, tsaka nila nabibili lang yung gusto nila. So do'n siguro nagsisimula yon kasi kapag may disiplina ka, kaakibat no'n at sunud-sunod na ' yun [disiplina sa pera.]

Pero alam ni Marian na itong usapin na ito ay dapat din nilang talakayin sa pamilya, lalo na't sa panganay niyang si Zia, pagdating ng tamang panahon.

"Siguro kapag si Zia, mag-e-eleven na siya ngayon, siguro by—I don't know—thirteen siguro. Pero hindi ibig sabihin no'n ay bibigyan mo ng pera. Siguro maganda rin na sa gano'ng age naiintindihan na niya kung ano 'yung value," paliwanag ng aktres.

Inalala rin ni Marian kung paano siya pinalaki ng kanyang lola, na naging dahilan kung bakit napakahalaga sa kanya ng bawat pisong pinaghihirapan. Itong mga aral na ito ang gusto niyang ipasa sa kanyang mga anak.

"Ako kasi lumaki ako na nasa lola ako, na ang bawat kinikita ko after college ko ay mahalaga sa akin at pinapahalagahan ko. So 'yun din 'yung gusto kong ma-implement sa anak ko, na ang kinikita mo e kailangan e inaalagan mo," ani Marian.

Inihalintulad din niya ito sa kanyang obligasyon bilang matagal nang brand ambassador ng Palawan Group of Companies: "Katulad dito sa amin sa Palawan, 'yung pera n'yo, o kung ano man 'yung iniinvest niyo, e gusto namin e mabalik sa inyo 'yan nang buo, dahil may tiwala kayo. So gano'n din 'yung gusto ko mangyari sa mga anak ko, na i-trust muna. Kailangan malaman nila unti-unti kung paano gastusin, ipunin... Ano ba ang mahalaga?"

READ: Marian Rivera is the definition of grace and glamour in new photoshoot

READ: Marian Rivera shows unwavering support as Dingdong Dantes walks Randy
Ortiz's runway


EMBED GROUP PALAWAN
Caption:
(From left) Palawan's Chief Human Resources Officer Korina Castro-Fernando, Founder and Chairman Bobby L. Castro, Marian Rivera, Chief Financial Officer Lilian Castro-Selda, and Chief Business Development Officer Lisa Lou Castro-Sabado


Aminado si Marian na nagbago ang kanyang pananaw sa paggastos habang tumatagal. "So ganon din yung gusto ko mangyari sa mga anak ko na i-trust muna. Kailangan malaman nila kung paano nila unti-unti kung paano gastusin, ipunin... Ano ba ang mahalaga? Ako kasi nasa punto ako ng buhay ko ngayon na ang iniisip ko, dati parang bibili lang ako kung ano ang gusto ko, pero ngayon nag-iba na. Ang mga iniisip ko ngayon, intentional na, kung paano namin mapapalago at paano namin masusuportahan yung future ng mga anak namin, yun kasi yung mahalaga. So siguro gradual siya, pero magandang i-open up sa asawa ko 'yan. "

Binigyang-diin ni Marian ang halaga ng pagsusumikap para sa mga gustong makamit sa buhay.

"Siguro at an early age, maganda 'yan na maturuan natin ang mga anak natin kung paano pahalagahan ang mga bagay. Kasi ako, very vocal ako sa mga anak ko e. 'Pag may binibili ako para sa kanila, alam nila kung saan nanggaling 'yon—pinagtrabahuhan ko, pinag-igihan ko kaya ko nakuha 'yon. So gusto ko gano'n din sila 'pag laking nila. May gusto ka, pagtrabahuhan mo para 'pag nasa iyo na, pahahalagahan mo."

Para sa mga hindi nakakaalam, ang layunin ng unified campaign na "Palawan for All" ay maghatid ng accessible at reliable na financial solutions para sa bawat pamilyang Pilipino sa anumang yugto ng kanilang mga buhay.

RELATED CONTENT: Dingdong Dantes proud of Marian Rivera's new business venture