GMA Logo Marian Rivera
What's Hot

Marian Rivera, nag-donate ng kanyang breast milk ngayong World Day of Human Milk Donation

By Cherry Sun
Published May 19, 2020 11:08 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Cabral poised to do ‘tell-all’ before her death, says Lacson
Davao police say boy’s injury not caused by firecrackers

Article Inside Page


Showbiz News

Marian Rivera


Hinihikayat ni Marian Rivera na mag-donate rin ng breast milk ang ibang katulad niyang “Padede mom.”

Nagbahagi si Marian Rivera tungkol sa kanyang pagdo-donate ng breastmilk bilang panghikayat sa ibang mga ina na ipamahagi rin ang kanilang gatas ngayong World Day of Human Milk Donation.

Nakapuno ng isang kahon si Marian sa pagkolekta ng kanyang breastmilk bilang donasyon.

Kuwento niya, “Sa paggunita sa 'World Day of Human Milk Donation' nais kong kong ibahagi ang mumunting alay ko sa mga sanggol na makikinabang sa natatanging sustansya at proteksyong taglay ng gatas ng ina. Nakikiisa ako sa mga padede-nanay/moms na walang humpay sa pag-aalaga sa kanilang mga anak. Sa panahon ng crisis, nawa'y makatulong ang donasyon na eto sa mga sanggol na higit na nangangailangan. #KapitNanay Maraming salamat din @joyzrnmsnclcibclc ikaw ang isa sa mga inspiration ko!”

Sa pag gunita sa “World Day of Human Milk Donation” nais kong kong ibahagi ang mumunting alay ko sa mga sanggol na makikinabang sa natatanging sustansya at proteksyong taglay ng gatas ng ina. Nakikiisa ako sa mga padede-nanay/moms na walang humpay sa pagaalaga sa kanilang mga anak. Sa panahon ng crisis, nawa'y makatulong ang donasyon na eto sa mga sanggol na higit na nangangailangan. #KapitNanay Maraming salamat din @joyzrnmsnclcibclc ikaw ang isa sa mga inspiration ko! 😘

Isang post na ibinahagi ni Marian Rivera Gracia Dantes 🇵🇭 (@marianrivera) noong

Si Marian ay isang breastfeeding at breastmilk advocate. Kabilang din siya sa ilang campaigns na sumusuporta sa mga katulad niyang ina tulad ng #KapitNanay.

Marian Rivera stars in tribute video for mothers titled "Maliit Na Bagay"

LOOK: Beautiful breastfeeding celebrity moms

Marian Rivera shares advice to mothers who feel insecure about their appearance postpartum