
Sa halip na kaba, tuwa raw ang naramdaman nina Marian Rivera at Dingdong Dantes nang magsimula ang bago nilang Saturday comedy show na Jose and Maria's Bonggang Villa.
"To be honest, [walang kaba], kasi ginagawa namin siya sa set nang masaya kami at always looking forward kami sa taping, especially sa set ang saya-saya. For sure, nagre-reflect 'yan on TV, kung gaano kami kasaya sa set," sabi ni Marian nang makaharap niya ang entertainment media para sa product launch ng kanyang BeauteDerm Home endorsement noong Martes, May 26.
Katulad nito, masaya rin sina Kapuso Primetime King and Queen dahil malugod naman itong tinangggap ng mga manood, base sa TV ratings nito sa naunang dalawang episode.
Sa pilot episode, nakapagtala ang Jose and Maria's Bongga ng Villa. 13.5 percent.
Sabi ni Marian, "Parang kami, siguro kung mag-rate 'yon, bonus na lang. Kasi, ang importante ay magkasama kami ni Dong magtrabaho after 10 years, 'tapos ang pangarap pa naming sitcom. So, bonus, bonus na lang talaga ang ratings."
Sa huli, hiniling ni Marian na sana magtuluy-tuloy pa ang suporta ng mga manonood para mas humaba pa ang kanilang programa.
"Of course, very grateful kami na minahal siya ng mga tao pilot [episode] pa lang. Then, doon sa second episode, maganda pa rin. So, sana tuluy-tuloy kami para mag-extend kami nang mag-extend for them," pagtatapos ni Marian.
Samantala, kilalanin ang iba pang mga kasama nina Marian at Dingdong sa Jose and Maria's Bonggang Villa: