
Tuloy-tuloy ang pagdating ng tulong mula sa GMA Kapuso Foundation para sa mga nasalanta ng nagdaang bagyong Tino at Uwan.
Nakiisa rin si Kapuso Primetime Queen Marian Rivera sa pagre-repack ng relief, pag-donate, at pakikiisa sa mga biktima ng kalamidad.
Sa 24 Oras report ni Nelson Canlas noong Biyernes, November 14, hinikayat din ni Marian ang mga Kapuso na makiisa sa mga nasalanta ng bagyo.
“Walang maliit na tulong, basta sama-sama,” ani ng aktres.
Dagdag nito, “Kaya sa mga hindi pa nakakapag-donate, sana po mag-donate po tayo para sa mga kababayan natin para makatulong tayo.”
Isa lamang si Marian Rivera sa mga Kapuso na patuloy ang suporta para sa mga nasalanta ng bagyo.
RELATED GALLERY: WHERE TO DONATE FOR VICTIMS OF TYPHOON UWAN