
Ngayong June 28 ay mapapanood na ang bagong dance competition show na Stars on the Floor. Magsisilbing host nito si Alden Richards, habang hurado naman sina Marian Rivera, Pokwang, at Coach Jay, ang choreographer ng SB19.
Sa grand mediacon ng naturang show, ibinahagi ni Marian na ito ang unang beses na magsisilbi siyang hurado para sa isang patimpalak. Aniya, may mga alok na sa kaniya noon para maging judge, ngunit hindi niya ito tinanggap.
"Feeling ko hindi ako karapat-dapat mag-judge. Pero bilang dance ito, at hilig kong magsayaw, at hindi naman lingid sa kaalaman nila na love na love ko ang dancing talaga, nag-yes ako rito, "sabi ni Marian.
Pagpapatuloy pa ng aktres, "Love ko ang dancing eh. Every time nagda-dance talaga 'ko, na-e-express ko talaga 'yung sarili ko sa iba't ibang anggulo."
KILALANIN ANG DANCE AUTHORITIES NG 'STARS ON THE FLOOR' DITO:
Tinagurian ang Stars on the Floor bilang ultimate "COLLABanan ng Stars sa Sayawan" dahil sa pagsasama-sama ng personalities mula sa entertainment at digital worlds sa isang dance collab competition.
Ang Celebrity Dance Stars na sasabak sa kompetisyon ay sina Glaiza De Castro, Rodjun Cruz, Faith Da Silva, Thea Astley, at VXON Patrick. Ang makakapareha naman nila mula sa Digital Dance stars ay sina Zeus Collins, Dasuri Choi, JM Yrreverre, Kakai Almeda, at Joshua Decena.
Makakasama ni Marian bilang mga Dance Authority sa show sina Star Comedienne of the Dance Floor Pokwang at ang Dance Trend Master na si Coach Jay.
Panoorin ang panayam kay Marian dito: