GMA Logo marian rivera
Photo source: Michael Paunlagui
What's on TV

Marian Rivera, proud at inspired sa celebrity at digital dance stars sa 'Stars on the Floor'

By Karen Juliane Crucillo
Published June 19, 2025 10:54 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Barangay kagawad at senior citizen, parehong patay sa banggaan ng kanilang motorsiklo sa Iloilo
Mandaue City LGU, Mihangyo nga Pondohan ang Itukod nga Hospital | Balitang Bisdak
Miss Cosmo Philippines Chelsea Fernandez lights up the runway with red swimsuit

Article Inside Page


Showbiz News

marian rivera


Lalong naging inspirasyon ni Marian Rivera sa pagsasayaw ang mga celebrity at digital dance stars ng 'Stars on the Floor.'

Muling nabuhayan ng dance energy si Marian Rivera dahil sa celebrity at digital dance stars sa upcoming dance competition na Stars on the Floor.

Sa isang exclusive interview, tinanong kay Kapuso Primetime Queen, bilang isa sa dance authority panel, kung ano ang mga hinahanap niyang qualities sa isang standout performer.

Inamin ni Marian na marami siyang natututunan sa gitna ng taping at panonood sa dance stars dahil sa husay ng mga ito.

"Ganoon ka-deep ang Stars on the Floor," pagmamalaki ni Marian.

Dagdag pa niya, "Ang dami kong natutunan, ang dami kong nakilala, at sabi ko nga siguro, ang ganda ng ginawa ng GMA kasi ang gusto nilang i-showcase dito ay hindi lang kami lang as a judge, hindi lang Alden as a host kundi yung galing nila sa pagsasayaw."

Ipinagdadasal din daw ni Marian na mag-shine ang bawat isa sa dance competition na ito.

"Gusto ko after ng Stars on the Floor, kilalang-kilala sila. Gusto ko love sila ng [mga] tao kasi ganoon sila kahusay," sabi ni Marian.

Ibinahagi ni Marian na ang tanging hinahanap niya sa dance stars ay ine-enjoy nila ang kanilang ginagawa sa dance show.

Hindi din nagpaligoy-ligoy si Marian na ikuwento ang kaniyang reaksyon noong una niyang malaman na magiging parte siya ng dance authority panel.

"First time ko kasi mag-judge. Parang may ino-offer sa akin as a judge, pero parang feeling ko hindi ako karapat-dapat mag-judge. Pero bilang dance ito at hilig ko magsayaw at hindi naman lingid sa kaalaman nila na love na love ko ang dancing talaga, nag-yes ako dito," ikinuwento ni Marian.

Nagbigay pa ng dagdag na excitement ang Stars on the Floor judge nang ikuwento niya na nabigyan sila ng oportunidad na sumayaw sa mga genre na hindi nila forte.

Ibinahagi ni Marian na game na game siya sa challenge na ito dahil na-inspire siya sa mga dance stars.

Ginanap ang mediacon ng Stars on the Floor nitong Miyerkules, June 18, para opisyal na ipakilala ang celebrity at digital dance stars.

Makakasama ni Marian sa dance authority panel sina Star Comedienne of the Dance Floor Pokwang, at Dance Trend Master Coach Jay.

Abangan ang Stars on the Floor ngayong June 28 na sa GMA.

Kilalanin ang dance authority panel ng Stars on the Floor dito: