GMA Logo Marian Rivera
PHOTO COURTESY: marianrivera (Instagram)
Celebrity Life

Marian Rivera, pinangarap maging isang teacher

By Dianne Mariano
Published May 27, 2024 12:55 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Amihan, easterlies to bring rain, cloudy skies over parts of PH
Alleged DI member wanted for murder, frustrated murder killed in clash
Heart Evangelista is cool and chic in baggy pants

Article Inside Page


Showbiz News

Marian Rivera


Ayon kay Kapuso Primetime Queen Marian Rivera, kung hindi siya nag-artista ay isa siyang guro ngayon.

Hindi maikakaila na isa si Marian Rivera sa mga premyadong aktres sa Philippine showbiz ngayon dahil sa kaniyang husay sa pag-arte.

Sa kaniyang official Facebook page, nag-upload ang Kapuso Primetime Queen ang isang question and answer (Q&A) video, kung saan sinagot niya ang ilang random questions.

Isa sa mga tanong ay: "Kung hindi ka nag-artista, ano ang trabaho mo ngayon?"

Ayon sa celebrity mom, kung hindi siya nag-artista ay isa siyang guro ngayon.

“Pangarap ko talaga maging teacher. So siguro kung hindi ako artista ngayon, teacher [ako]. Bakit? Kasi mahilig ako magturo, especially sa mga bata, at na-a-apply ko ngayon 'yan sa mga anak ko. So every time na tinuturuan ko 'yung mga anak ko, sobra akong nag-e-enjoy talaga,” sagot niya.

Kung mabibigyan naman siya ng superpower, ang pipiliin ni Marian ay ang power of healing.

Paliwanag niya, “Kasi sa mundong ito parang ang daming nangyayari. Minsan may mga tao kapag pinagdadaanan nila, hindi nila alam paano ma-overcome 'yon or dala-dala nila talagang hindi nila nile-let go. So siguro, kung meron tayong power of healing, lahat ng tao makaka-move on at magiging masaya para sa buhay nila.”

Tila nahirapan naman ang My Guardian Alien star sa pagsagot sa tanong na kung sino ang gusto niyang gumanap bilang Marian Rivera kung gagawing pelikula ang buhay niya.

“Shucks, hirap nun ah. Sino ba? Ipa-poll nga natin 'yan. Sino sa palagay n'yo ang magandang gumanap ng buhay ko,” aniya.

Kasalukuyang bumibida si Marian bilang Katherine/Grace sa family series na My Guardian Alien, na napapanood tuwing Lunes hanggang Biyernes, 8:50 p.m., sa GMA Prime, Pinoy Hits, at Kapuso Stream.

Mapapanood din ang programa sa GTV sa oras na 10:30 p.m.

Samantala, bibida ang aktres sa 2024 Cinemalaya entry na Balota, na co-produced ng GMA Pictures kasama ang GMA Entertainment Group, in cooperation with Cinemalaya.

SAMANTALA, ALAMIN ANG MOST MEMORABLE ROLES NI MARIAN RIVERA SA GALLERY NA ITO.