GMA Logo Marian Rivera
What's Hot

Marian Rivera, pinuna ang pekeng Facebook account na ginagamit ang kanyang pangalan

By Cherry Sun
Published April 20, 2020 11:42 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Park Ji Hoon is coming to Manila in 2026
Hoopster from Pavia, Iloilo is NCAA 101's Most Valuable Player
Gabbi Garcia reveals PCOS diagnosis, champions body positivity

Article Inside Page


Showbiz News

Marian Rivera


"Fake!!!" ang sigaw ng 'First Yaya' star na si Marian Rivera tungkol sa isang Facebook account na ginagamit ang kanyang pangalan.

Pinabulaanan ni Marian Rivera ang isang Facebook account na ginagamit ang kanyang pangalan.

Isang Facebook account na may ngalang Marian Rivera Dantes ang namimigay diumano ng PhP 5,000 “para sa lahat ng Kapuso.” Pahayag pa nito, ang aktres mismo ang nagha-handle ng account kaya kailangan lamang siyang i-message doon para makatanggap ng inaalok nitong cash donation.

Itinanggi naman ito ni Marian at sinabing peke ang naturang Facebook account.

Sambit ng First Yaya star, “Pawang kasinungalin po ito! FAKE!!!”

Marian Rivera pinabulaanan ang Facebook account na gumagamit ng pangalan niyaMarian Rivera, pinabulaanan ang Facebook account na gumagamit ng pangalan niya.

Ngayon ay direktang tumutulong si Marian at ang kanyang asawang si Dingdong Dantes sa frontliners na lumalaban kontra COVID-19.

RELATED CONTENT:

Marian Rivera, 'breastfeeding' over 'gym body' ang priority

Sharon Cuneta posts Darna photos of Marian Rivera, Angel Locsin to commend both actresses

Marian Rivera gives son Ziggy Dantes a birthday message as he turns one