
Magsasama sama ang powerhouse trio na sina Marian Rivera, Pokwang, at Coach Jay, sa pinakabagong dance competition na Stars on the Floor.
Makikisaya sa ultimate dance collab sina Marian, Pokwang, at Coach Jay bilang 'The Dance Authority.'
Kakaibang kombinasyon ng ganda, tawa, at galawan dahil si Marian ay kikilanin bilang "Primetime Queen," si Pokwang bilang "Star Comedienne," at si Coach Jay bilang "Dance Trend Master."
Si Asia's Multimedia Star Alden Richards naman ang magsisilbing host ng dance competition.
Humanda na sa ultimate COLLABanan ng mga bituin sa sayawan dahil pagsasamahin ang pinakamalalaking pangalan mula sa telebisyon at digital world sa dance reality competition na Stars on the Floor, na mapapanood na ngayong June 28 sa GMA.
Samantala, balikan naman dito ang hosting career ni Alden Richards: